Chelle's point of view Dahan-dahan 'kong iminulat ang mga mata ko,at puting kisame ang bumungad sa akin. Rumehistro sa ilong ko ang amoy ng mga gamot kaya't natitiyak 'kong nasa ospital ako. Ano 'bang nangyari? Bakit nandito ako? Sinubukan 'kong igalaw ang mga kamay ko ngunit agad din akong napahinto nang maramdamang may nakakabit duon. Tinignan ko iyon at,may dextrose palang nakakabit sa akin. Dahil hindi ko maigalaw ang kaliwang kamay ko, inilingon ko ang mukha ko para tignan ang paligid, nang mahagip ng mga mata ko ang nakayukong pigura ng isang lalaki sa tabi ko. Muling binundol ng kaba ang puso ko. Can it be Jorem? Ang lalaking nasa tabi ko at nakayuko sa kama ko na tila binabantayan ako, si Jorem nga ba ito? Hindi ko maiwasan ang umasa na sana...sana nga si Jorem ito. Maybe,

