Chelle's point of view MABILIS AT WALANG PAGA-ALINLANGAN 'kong inililigpit ang mga gamit ko sa apartment na tintuluyan. Tahimik ko itong inaayos sa pagkakalagay sa maleta na nasa tabi ko. “Chelle, sigurado ka ba sa gagawin mo?”rinig 'kong tanong ni Gelay. Halata sa tono ng pananalita nito ang hindi pagsang-ayon sa binabalak 'kong gawin. Nilingon ko naman sya ngunit nagpatuloy pa rin sa ginagawa. “Oo. Siguradong-sigurado.”puno ng kumpiyansang sagot ko bago muling itinuon ang atensyon sa ginagawa. Di nakatakas sa pandinig ko ang malalim na buntong hininga na pinakawalan ni Gelay. “Chelle, ayaw mo muna talaga siyang kausapin?”tanong nito na naging dahilan ng tuluyan 'kong pagkahinto. Binalingan ko naman si Gelay. Napabuga ako ng marahas. “Para ano pa ang pagpunta ko sa kanya? Para masa

