Chapter 33: Chelle's point of view "Hala! Chelle, ano yan? Di kayo kumain? Anong nangyari?" napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Gelay, kasama ang iba naming workmates. May lungkot at pagtataka sa mga mukha nila habang nakatingin sa akin. Napailing naman ako. "Galit sya e." maikling paliwanag ko na alam 'kong gets na nila agad. Naupo naman si Gelay sa tabi ko. "Eh bat pati ikaw hindi ka man lang kumain?" "Wala akong gana e." Napahinga naman ng malalim si Gelay. "Parang kahapon lang kinantahan ka pa niya, tapos biglang naging ganito ngayon? Aish! Ang hirap talaga nang may jowang bipolar!"rinig 'kong maktol ni Gelay na ikinatawa ng iba. "Tama si Gelay, kahapon ang sweet sweet ni Sir sayo Chelle, bakit naging ganito ngayon?" rinig 'kong tanong ni Lanie. Napakibit-bali

