TPOV : TULALA, NAGKUKULONG AT hindi makausap. Nagbalik na naman siya sa dati kung saan nakakulong sa bangungot ng kanyang nakaraan. Kung saan nakuha siya ng kapitbahay naming nawala sa katinuan na iniwanan ng kanyang asawa. Dala ng kawalan sa katinuan ay kinulong nito sa bahay niya ang anak kong kalaro ng mga anak nito at na-witness ng mga mata ng anak ko kung paano niya kinatay na parang hayop ang sarili niyang mga anak! Sa pangyayaring 'yon na-trauma si Hiro na pagkatapos namin itong masagip sa tulong ng pamilya ng batang nakasama nito sa bahay na 'yon ay nailigtas sila mula sa baliw naming kapitbahay. Pero dahil sa pangyayaring iyon ay ilang taon nagdusa ang anak ko. Hindi nagsasalita. Hindi lumalabas ng silid. Takot na takot sa lahat ng lalapit sa kanya. Hanggang isang araw, pagkata

