HIRO: LUMIPAS ANG ILANG ARAW, LINGGO AT BUWAN na wala ng paramdam pa si Iris. Na unti-unting tinatanggap ko lalo't nakasubaybay naman ako sa kanya sa social media niya at patuloy pa rin siya sa relasyon nila ni Liam kung saan alam na ng publikong malapit na silang ikasal. Umiwas na rin muna ako sa pamilya niya dahil lalo lang akong nasasaktan na nababalitaan kong hanggang ngayon ay hindi ako maalala nito. Nakatanaw ako sa malayo na nakasandal ng dingding dito sa balcony ng cottage kung saan nakatira noon si Iris dito sa resort na iniisip ang nakaraan. "Hiro?" Dinig kong pagtawag sa akin ng pamilyar na boses pero nanatiling tikom ang labi ko. Dinig ko naman ang mga papalapit nitong yabag at ang paglapit nitong naupo sa tabi ko. "Kalimutan mo na kasi siya Hiro. Nagkakaganyan ka dahi

