HIRO: NANGINGITI AKO na hawak ang kamay ni Iris habang nagmamaneho akong tinatahak ang kahabaan ng highway papunta sa Tagaytay kung saan ko siya planong dalhin. Mabuti na lang at pumayag itong makipag-date sa akin ngayong araw. Masaya na ako at handa na siyang pakawalan pagkatapos ng araw na 'to. Susulitin ko na lang muna ang huling araw na makakasama ko siya. Bago ako bumalik ng probinsya at kalimutan na, ang namagitan sa aming dalawa. Napalapat ako ng labi. Pinipigilan ang pagtulo ng luha sa kaisipang malapit ko na siyang pakawalan. Alam ko namang hindi niya kagustuhan na mabura ako sa isipan niya. Pero may posibilidad ding hindi na magbabalik ang mga naburang ala-ala niya. At 'yon ang bagay na kinakatakot ko. Paano kung habang buhay na niyang hindi maalala kung sino si Hiro sa puso ni

