IRIS: HINDI AKO MAKATULOG. Madaling araw na pero heto at gising na gising pa rin ang diwa ko. Paulit-ulit nagri-replay sa utak ko ang sinaad ni Hiro kanina sa pagtatalo namin. Tila may ibang ibig sabihin ito sa nasabi na hindi naman niya klinaro at basta na lang nang-iwan. Naguguluhan ako. Napapaisip, at nasasaktan na hindi ko alam kung bakit? Nakagat ko ang ibabang labi. Nagdadalawang-isip kung kakatukin ko ba siya sa silid niya o hindi. Kanina pa ako palakad-lakad dito sa harapan ng silid ni Hiro pero hindi ko magawang katukin ang pinto nito. Mariin akong napapikit at napahingang malalim bago naglakasloob na katukin ito. Pigil-pigil ang hininga ko na hinihintay itong magbukas ng pinto pero nakailang ulit na ako ay hindi pa rin ito nagbubukas. Sa inis ko ay napihit ko ang doorknob a

