IRIS: NAPATITIG AKO SA MGA MATA NITO. Mga mata na bakas ang pangungulila at kalungkutan na hindi ko matukoy kung para kanino. Matiim din siyang nakatitig habang nakayapos sa baywang ko. Nang matauhan na ako ay napatikhim akong bumitaw dito na tumuwid ng tayo. "Ahem! Why are you still awake?" pasimpleng tanong ko na humalukipkip at matamang napatitig ditong napakamot sa ulo at napapangiwi ang ngiti. "Um, hindi pa ako dalawin ng antok eh. Magpapahangin lang sana muna dito. Sige, mauna na ako" magalang saad nito. Napakunotnoo akong lalong ikinailap ng mga mata nito. "Me too. Come here" aniko na napahawak sa kamay nitong hinila sa gawi ng mga lounge chair na nakahilera dito sa gilid ng pool. Lihim akong napapangisi na hindi naman ito umangal sa paghawak ko sa kamay nito. "Anyway. Who a

