Pagbabalik

1430 Words

HIRO: KABADO AKONG nagtungo sa mini bar nitong mansion nila Iris dahil pinatawag ako nila tito Alp at mga anak nitong lalake na magkainuman kami ngayong gabi. Maayos naman ang pagtira ko dito. Hindi rin nila ako tinatanong ng mga personal na bagay katulad sa kung sino ako, saan ako nagmula. Tila, pinapakiramdaman nila ako at hinihintay na ako mismo ang magsalita, magpakilala sa sarili ko sa kanila. Kung sino ako, at kung ano nga ba ako ni Iris. Kahit paano ay naging mas komportable na ang loob ko sa pamilya niya. Na unti-unti ay nakakaipon na ako ng lakas ng loob na umamin sa kanila. Tingin ko kasi ay may alam na sila dahil madali lang naman sa kanilang halungkatin ang nakabaong katotohanan kung gugustuhin nila. Napabuga ako ng hangin na mariing napapikit. Kinakalma ang puso kong nags

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD