“Promise me! You’ll wait for me, hmm?” Nangingilid ang luhang sabi ni Trina saka ako niyakap. “Hintayin mo ‘ko, kasi babalik ako. Babalikan kita, Leo.” Pupunta na kasi s’ya ng Amerika para doon na rin mag-aral. Gusto ko siyang pigilan pero ano nga ba ang magagawa ko? Hindi niya ako katulad dahil hindi naman kami mayaman. Mahal ko s’ya at ayaw ko ring maging hadlang sa mga opportunities na ibinibigay sa kanya ng tito at tita niya. Ayaw kong maging hadlang sa mga pangarap nila para kay Trina. Nangako akong maghihintay. Pangakong unti unti ko na ring nakalimutan sa katagalan. Unti unti akong nasanay na wala si Trina. Unti unti kong tinanggap na hanggang doon na lang kami, dahil kahit kailan hindi talaga nagtatagpo ang langit sa lupa. Pagkatapos ko ng highschool ay pinili kong magtrabaho n

