Everythings happens for a reason. Isa sa mga kasabihang paulit ulit ko ng naririnig. At siguro nga lahat ay may dahilan kaya nangyari sa akin ang lahat ng ito. Simula ng gabing iyon ay nagbago bigla ang lahat sa amin ni Leo. Naging mas magaan sa akin ang bawat araw na alam kong nariyan si Leo sa aking tabi. Para kaming bumalik sa pagiging teenager na halos araw araw ay dumadalaw siya sa bahay na may dalang pagkain at bulaklak. Yayayain niya akong lumabas na kaming dalawa lang. Noong nililigawan niya ako noon ay lagi rin niya akong idini-date. Nagsisimba tuwing linggo at kakain sa labas. Simple man sa iba ay malaking bagay at espesyal na para sa akin. Dahil si Leo lang ang nagparamdam sa akin na mahalga ako, na kamahal mahal ako. At ngayon, iyon ulit ang ipinararamdam niya sa akin. Na

