“Papa!” sigaw ni Charity dahil siya ang unang nakakita kay Leo. “Daddy!” Iwinagayway pa ni Lianne ang dala nila ni Charity na cartolina. It says ‘welcome home daddy/papa’ Lumawak ang pagkakangiti ni Leo nang makita kami dito sa waiting area ng airport. Kasama ko sina Lianne at Charity. Last week pa excited ang dalawa sa pagdating ni Leo. Marami na nga agad balak ang dalawa sa pag uwi nito. Mabuti at nataon rin na kakaumpisa lang ng bakasyom sa eskwela kaya marami silang oras para magkasama samang tatlo. Napakabilis ng tatlong taon. Maraming nangyari sa mga taong iyon at nagpapasalamat ako na nairaos ko ang mga taong iyon na masaya kahit mahirap. Basta alam ko na nasa tabi ko ang mga mahal ko sa buhay alam kong kaya kong lagpasan lahat. “Daddy!” Tinakbo ni Lianne ang distansya nila ni

