Habang narito sa Pilipinas at bakasyon nga ng mga bata sa eskwela ay sinusulit ni Leo ang bawat araw na kasama niya ang kanyang mga anak. Tinupad ni Leo ang hiling ng mga ito na mamasyal sa kung saan saan. Puntahan at kainan lahat ng gusto nila. Ibinibigay ni Leo sa kanila ang lahat ng naisin nila dahil minsan lang daw iyon. Minsan lang rin sila maging bata. Sigurado na ang pagbalik ni Leo sa Taiwan dahil may offer ulit sa kanya sa dati niyang kompanya. Last week ay kinausap na siya ng dati niyang manager at nag-offer ng mas mataas na posisyon bumalik lang siya ulit doon. Ayaw naman niyang palagpasin ang pagkakataon kaya pumayag siyang magtrabaho ulit sa ibang bansa. Para na rin daw iyon sa mga bata, para maging secure na ang future nila. Gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang kanya

