Isang linggo ng narito sa bahay namin sina Trina. Bumalik na rin si Trina at Leo sa trabaho makalipas ang ilang araw. Humingi ng tawad si Trina kay papa na agad namang tinanggap ni papa. Ngunit hindi lingid sa akin na alam na ni papa lahat ng mga ginagawa niya. Hindi namin alam kung kasabwat rin ba niya sa lahat si Leo kaya pati ito ay pinapamanmanan na ni papa. Si Leo at buong panilya nito. Ang sabi rin ni Elvies ay mas mapapadali ang pagbabantay sa bawat kilos ni Trina ngayong narito siya sa loob ng pamamahay namin. Hindi nga naman madali sa kanya na umalis alis ng bahay na hindi naku kwestyon kung saan pupunta. Simula rin ng mag away sina Charity at Lianne ay ang anak ko na mismo ang umiiwas sa kanya. Hindi lang kay Lianne kundi maging kay Leo na rin. Hindi ko talaga alam kung bakit

