Simula ng umuwi kami dito sa probinsya ay kapansin pansin na ang pagiging tahimik ni Charity. Nakikita ko rin na lagi siyang malungkot nitong mga nakaraang araw. Hindi ko rin makausap ng matino si Marla dahil maging ito ay parang laging malalim ang iniisip nitong mga nakaraang araw. Minsan nga ay nakita ko itong yakap yakap ang naka-frame na litrato ng kanyang asawa at umiiyak. "Magandang gabi po, Ate Cindy," bati ni Nanette sa akin pagpasok ko ng bahay. "Kumain na ba kayo?" tanong ko habang hinuhubad ang sapatos ko at pagod na sumandal sa sofa. "Si Charity?" "Kumain na po kami, ate. Si Charity po nasa kwarto n'ya at ayaw pa pong kumain," saad ni Nanette. Ilang araw na siyang ganoon at nababahala na rin ako sa kanya. "Ako na ang bahala sa kanya. Isasabay ko na lang siya sa pagkain," a

