"Itinataboy mo tapos iiyak iyak ka d'yan!" siring ni Marla sa akin nang makapasok ako sa kwarto namin ni Charity. "Ano bang sinasabi mo d'yan?" nakasimangot kong tanong habang pinupunasan ang aking mga luha. "Cindy, kahit hindi mo sabihin nababasa kita. Mahal mo pa rin hindi ba?" aniya pang pinakatitigan ako ng mabuti. Ilang beses akong umiling sa kanya. Kasabay no'n ang pag agos muli ng mga luha sa aking mga mata. "Hindi," humihikbing tanggi ko. At pakiramdam ko ay paulit ulit na sinasaksak ang puso ko nang sabihin ko ang salitang iyon. "Itanggi man ng utak at bibig mo, hinding hindi mo maloloko ang puso mo," makahulugang ani Marla sa akin. "Mahal mo nga kasi!" Tila ba siguradong sigurado siya sa nararamdaman ko. "Hindi na katulad ng dati ang sitwasyon, Marla. Maraming ng nagbago, m

