Nauna nang lumabas ng opisina si Leo sinundan naman siya ni Trina na masama ang loob. May mga sinasabi pa ito kay Leo ngunit hindi pinakikinggan ng una. Ngayon ko naiisip kung ano nga ba ang nangyari sa loob ng limang taon? Anong ibig sabihin ng aking mga narinig kanina? "Tigilan mo na ang paninisi mo sa iba! Kahit nandito pa ang annullment papers na 'yon hindi ko pipirmahan 'yon!" "At tama na rin ang paggawa mo ng kung ano anong kwento! Tama ng pinaniwala n'yo ako noon!" Akala ko ba ay mahal na mahal n'ya si Trina? Nagawa nga niya kaming iwan noon para sa babaeng 'yon. Bakit ngayon iyon ang naririnig ko sa mga bibig niya? "Hindi ko pipirmahan 'yon!" "Hindi ko pipirmahan 'yon!" Mga salitang paulit ulit na nagsusumigaw sa aking isipan. Ano ang ibig niyang sabihin? Ano nga ba talaga a

