“Lumayas ka na nga dito! Akala mo kung sino ka! Nadamitan ka lang at nasayaran ng yaman ng mga Velliejo ang yabang mo na!” nanggigigil na sabi ni Lesly sa akin. Natawa ako na lalo niyang ikinainis. Kitang kita ko ang pagtaas baba ng kanyang mga balikat sa galit at kulang na lang ay patayin niya ako sa tingin dahil sa pagtawa ko. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng poot dahil sa kanyang sinabi. “Nadamitan? Nasayaran ng yaman? I can stand on my own, Lesly. Poor you, you can’t do what I can do. Kaya kong magsumikap para makaahon sa hirap! Eh, ikaw? Anong kaya mo? Sumipsip?” “Ate Trina-“ “I said enough! Enough, okay!” sigaw ni Trina kay Lesly na ikinagulat pa nito. Nagkatinginan ang mga empleyadong naroon at ang iba ay natawa pa dahil sinigawan lang naman ni Trina si Lesly. Si Lesly na

