Dad has been busy these past few months, so I am the temporary in charge in the company. At sa puntong iyon ay naging mas madali sa amin ni Elvies ang pagkilos para mag imbestiga. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng imbestigasyong ginagawa namin. Pero isa lang ang alam ko at sigurado ako, na kung mapatunayan mang may anumalyang ginagawa si Trina sa mga negosyo ni papa na may access s’ya ay tiyak kong mananagot siya sampu ng kanyang mga kasabwat. “Cindy,” tawag ni Leo nang mapadaan ako sa kabubukas lang na elevator. “Can we talk?” “Kelly, you may go first, then prepare all the papers that I need to review. Para pagdating ni papa ready to sign na lang,” utos ko sa aking sekretarya. “Okay, ma’am,” tugon nito at napasulyap pa kay Leo bago tuluyang umalis. “What’s bring you here? Ang

