Pag alis ni Leo ay dahan dahan kong iniharap si Charity sa akin. Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot. Tila ba na-guilty rin siya sa kanyang ginawa. “Anak, alam mo bang nasaktan ang papa mo sa ginawa mo?” mahinahong sabi ko. “I’m sorry po,” malungkot na tugon niya at napayakap sa akin. “He’s still your father no matter what, Charity. Kung ano man ang nangyayari sa amin ng papa mo labas ka doon. Be nice to him, kasi wala ka dito ngayon kung hindi dahil sa kanya. Gusto ka lang makasama ng papa mo, anak, kasi simula ng baby ka never ka n’yang nakita at nakasama,” paliwanag ko. “I am fine without him, ma,” sagot ni Charity. Nakahilig pa rin sa balikat ko. Para bang matured na ang isip sa naging sagot. “Hindi ba pwedeng pagbigyan mo ang papa mo kahit isang beses lang para mawala ang narar

