CHAPTER 56

2091 Words

“Cindy!” Napahinto ako sa paglalakad nang pigilin ni Elvies ang braso ko. Nilingon ko ang pinanggalingan namin at malayo layo na rin pala ang nalalakad ko. “Bumalik na tayo,” pakiusap niya. Umiling ako habang nag uunahan naman sa pagtulo ang mga luha ko. “Delikado na dito. Hayaan mong kami na ang maghanap kay Charity at sa mga kidnappers,” wika pa niya. “Hindi!” Sunod sunod ulit ang naging pag iling ko. “Gusto kong hanapin ang anak ko, Elvies. Hindi ako maghihintay lang sa isang tabi dahil alam kong kailangan ako ng anak ko, dahil alam kong sa mga oras na ‘to umiiyak s’ya at natatakot,” paliwanag ko. “Nawalan na ako ng anak noon, Elvies, muntik na ring mawala noon si Charity sa akin. Ayaw ko na ulit maranasan ang ganoong sakit. Ayaw ko ng mawalan ulit ng anak, ayaw ko na iwan ulit ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD