“Sundan n’yo lang. Huwag kayong gagawa ng padalos dalos na aksyon dahil baka mapahamak ang mga apo ni Mr. President.” “Anong sabi mo?!” Para akong malalagutan ng hininga. Nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin ang isang bodyguard ni papa. “M-ma’am!” “My daughter is in danger?!” Parang sasabog ang puso ko. “Answer me!” Napaigtad pa ito dahil sa pagsigaw ko. “Pastro, tara na!” tawag ng isang kasamang nagmamadaling sumakay sa sasakyan. “Sasama ako!” Pinigilan ko ang lalaki sa pag alis sa harapan ko. “P-pero, ma’am…” Tumingin pa ito sa sasakyan at pabalik sa akin. Nasa mga mata nito ang pag aalinlangan. “Pastro!” “Tara na!” Ako na ang humila sa natitigilang lalaki pasakay sa loob ng sasakyan. Nasa kalagitnaan na kami ng daan nang mapansin ako ng tatlo pa sa loob. “Sir, kasama po n

