“Tumawag? Kailan? Kanina lang sinasabi niya sa’kin na tawagan kita kaya binigyan ko siya ng phone. Tumawag sa’yo? Anong sabi? Nasaan daw siya? Bakit daw umalis?” Sunod-sunod niyang tanong. Mula sa view na maliwanag ay lumipat ang mag-asawa. Nakita ko na pumasok sila sa loob ng backseat ng isang kotse. “I don’t think she knew I was still on the other end of the line when she spoke. Jack, may problema siguro kaya hindi siya makasama sa inyo. She was crying while she was talking. Ang sakit sa dibdib marinig ang iyak niya. She’s asking for help but not the help to escape. Gusto niya na mahuli ko ang mga taong gumigipit sa kanya. Sabi niya, she tried to save us pero hindi raw niya kayang gawin ‘yon mag-isa.” Nag-flashback sa’kin kung paano niya sinabi ang lahat ng iyon. It seemed lik

