DALAWANG oras na ay wala pa rin akong makitang konkretong lead. Napasabunot ako sa ulo at sumandal sa swivel chair. Pumikit at saka minasahe ang noo kong nagmamantika na dahil sa stress. I felt frustrated dahil sa nakaraang dalawang oras ay puro kamalasan na naman ang naganap. Ang una ay ang pagkawala ng signal ng kotse na ginagamit ni Lai. Ang huling kita ko ng location niya gamit ang tracking device ay pumunta siya ng Tondo, Manila. Kung anong ginagawa niya roon ay inaalam ko pa. Gusto kong sumigaw dahil sa bilis ng pagbawi ng pag-asang ibinigay sa’kin. Pahiram lang pala ito. Hindi pa talaga pagsilay ng pag-asa. Nag-ring ang phone ko at agad ko itong sinagot. “Boss.” “Z, nakauwi ka na?” Kahit alam ko namang alam niyang nasa Singapore na ako ay sinagot ko pa rin an

