MASAYA pala maramdaman na may nag-aalaga at nag-aaruga. Masaya rin maramdaman na may inaalagaan at pinoprotektahan. I felt useful. I felt worthy to live. Nagkaroon ng purpose ang walang kwenta kong buhay. “Lai—” I shivered when I heard him whisper my name. Inaapoy ng lagnat noon si Zeke. Unang beses na tawagin niya ko sa ibinigay kong pangalan. Lai. Gusto kong maiyak sa pangalang ‘yon. Ang kapatid kong si Nikki lang ang gumagamit ng pangalan na ‘yon bilang pagtawag sa’kin. Siya lang ang tumanggap ng pagkataong pilit kong ibinigay sa sarili ko para lang maging isang tunay na kabilang ng pamilyang Saragoza. Nang ibigay ko ang pangalang Nicolai kay Zeke, hindi ko ito napag-isipan. Kusa lang lumabas sa bibig ko na Nicolai ang pangalan ko. Kahit na naghuhumiyaw ang boses sa isip k

