TUWING ipipikit ko ang mga mata ko ay bumabalik ang bangungot. Halos araw-araw akong binabagabag ng bangungot na iyon simula nang iwan ako ni Lai. Ang pinagkaiba lang ng dati kong masamang panaginip kung saan may barilan sa isang kasalan sa simbahay ay may mukha na ang babae ngayon, ngunit hindi na siya ang puntirya ng bala. “Do you take this woman as your lawfully wedded wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health till death do you part?” Pasagot na ang lalaking nasa altar ng I do nang sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa simbahan. Hindi niya na nabunot ang baril na nakatali sa binti niya. Wala na ring nagawa ang ilang gwardiyang nakapalibot sa kanila ng babae. Napakapit ng mahigpit sa braso an

