NANG mawala ang image sa screen ay patakbo akong bumalik sa pwestong pinanggalingan. Hinila si Greg at iniharap sa’kin. “Si Nicolai! Greg, tawagan mo ulit si Mr. Lim. Si Nicolai ang nakita ko sa likuran niya. Sigurado ako, si Lai ko ‘yon!” Nagulat man si Greg ay agad itong nag-redial sa account ni Mr. Lim. Nang walang sumagot at nalipat sa voice mail ay sa cellphone naman tumawag si Greg. My fists were gripping the edge of the table as I watch him try to contact the man we’ve just met. Anong ginagawa ng babaeng mahal ko sa bahay na ‘yon? Hindi kaya--- I stopped myself from thinking. Tiyak na sasabog ang ulo at puso ko kung sakaling magkatotoo ang bagay na ‘yon. “Boss, unattended ang phone. Sigurado ka ba na si Ms. Lai ang nakita mo?” Tanong ni Greg na tumitig pa sa muk

