ISANG linggo ang lumipas mula nang makarating kami ni Greg sa Pilipinas. “Boss Z. Nakapwesto na po ang lahat.” Kung may finale o final performance ay ito na ‘yon. Sina Froilan, Vera, Steban at Sam ang naging Undercover agents na nag-infiltrate ng apat na focal points ng operasyon. Habang undercover ay natuklasan nilang may mga nakatagong silid at basement sa mga lugar na iyon. Hindi lang people trafficking ang nagaganap kung hindi may mga droga ring involved. Nang makakalapo kami ng sapat na ebidensiya ay nagplano na kami ng sunod na hakbang. Dahil hindi namin alam kung sino ang contact ni Draco sa kapulisan, nagpatulong kami sa ama ni Reece Weber na isang Congressman. Siya ang nakipag-coordinate sa mga pinagkakatiwalaan niyang pulis at agents ng NBI para maging legal ang o

