ANIM na buwan na mula sa bagngungot na gabing iyon. Naging matagumpay ang Operation Diablo at naipakulong ang lahat ng may sala. Sa tulong ng mga ebidensiyang nakalap namin maging ang mga nakita ng mga pulis at imbestigador sa mga lugar ng kriment, hindi na makakawala si Draco at ang lahat ng kasabwat nito. Napaimbestigahan din ang nangyari sa kulungan at napagalaman na ang namatay na mga preso ay ang dalawang pulis na nawawala. Nakadagdag pa iyon sa listahan ng mga kasalanang pagbabayaran ni Draco, Carla at ng iba pa nilang mga kasama. Nakatulong ang bullet proof vest na suot ko upang hindi maging fatal ang naging tama ng bala sa’king dibdib. Nagpapasalamat kami na hindi nauwi sa trahedya ang operasyong iyon. Walang nasaktan sa grupo namin. Dahil sa panibagong trauma s

