2: PHILIPPA

1237 Words
PHILIPPA's POV Ramdam ko ang mga mapanuring matang nakatingin sakin habang naglalakad ako sa hallway. Nanatili lang nakayuko ang aking ulo dahil sa sobrang hiya. "Tsk, tsk, such a loser." "Akalain mong may nerd pa pala sa panahon ngayon." "Ew, why did she even exist?" Hindi ko pinansin ang mga bulungang naririnig ko. Sanay naman na ako sa sinasabi nila. Masakit pero tinitiis ko. Mas maganda na kasing wag na lang sila patulan para hindi na lumaki pa ang g**o. Nagulat na lang ako nang may malakas na tumulak sakin nung naglalakad na ako palabas ng gate. Narinig ko ang malakas na tawanan nila nang sumubsob ako sa daanan. "Oops, sorry. My bad." Sarcastic na sabi ng babaeng tumulak sakin pero hindi ko iyon pinansin dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa papalapit na motor. Narinig ko ang malakas na tunog ng pagkakapreno sa motor at halos sumabog ang puso ko sa sobrang takot. Napayuko ako at ramdam ko ang panginginig na aking katawan. "Hoy! Kung gusto mong magpakamatay doon ka sa highway! Maraming truck doon! Tangina, dudumihan mo pa 'tong motor ko! Walang kwenta!"  Narinig kong sigaw nung lalaking nagmamaneho ng motor pero hindi ko sya tiningnan. Gusto ko syang sigawan at sampalin pero hindi ko makontrol ang panginginig ng katawan ko. Idagdag pa ang mahihinang tawa ng mga tao sa paligid dahil sa sinapit ko. "Sa susunod na bumulagta ka pa sa dinadaanan ko tutuluyan na talaga kita!" Iyon na lang ang narinig kong huling sinabi nung lalaki bago nya paharurotin ang kanyang motor paalis. "Tsk, sayang! Dapat pinagulungan ka na lang ni Vander ng motor nya para masaya." Nagtawanan na naman sila dahil sa sinabi ng babaeng tumulak sakin. "Let's go, girls. Baka mamaya ay mahawa pa tayo sa pagiging loser nya." Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang mawala na sila. Tumayo ako at pinulot ang mga gamit kong nagkalat. Pinagpagan ko rin ang damit ko at napangiwi ako dahil sa hapdi ng tuhod ko. Tiningnan ko ito at nakita ang malaking gasgas sa kanang tuhod ko.  Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Ayokong makita nila akong umiiyak dahil mas lalo lang akong magmumukhang katawa-tawa sa paningin nila. Tiniis ko ang saki ng tuhod ko hanggang sa makalayo na ako sa school at doon ko lang nilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Naubo ako sa gilid ng kalsada at pinunasan ang sugat kong dumudugo gamit ang panyo ko. Alam kong parang bata akong umiiyak pero wala akong pakialam. As long as walang nakakakita sakin ay ayos lang. "Nakakainis.." Bulong ko habang humihikbi, "Bakit ba kasi napakamalas ko? Bakit ba kaso ang duwag-duwag ko at ang lampa ko?" "Pwede ba akong humingi ng tulong sayo, iha?" Nagulat ako nang may matandang babaeng nakabelo ang sumulpot sa harapan ko. May hawak syang tungkod bilang suporta nya. Nakangiti sya sakin ngayon. Naawa naman ako dahil halatang luma na ang kanyang damit. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo, "Ano po ba 'yon, Lola?" Tanong ko. "Baka mayroon ka dyang pagkain. Kahapon pa kasi ako hindi kumakain. Kahit ano lang na mayroon ka. Kahit tira-tirang pagkain ayos lang sakin basta magkalaman lang ang sikmura ko." Mas lalo akong naawa sa sinabi ng matanda. Kinuha ko kagad ang baunan ko sa bag at binigay sa matanda. "Inyo na lang po ito, Lola. Hindi ko pa po nagalaw 'yan." Inabot ko sa kanya ang lunch box ko. Hindi ko nakain kanina dahil nawalan ako ng ganang kumain. Isa pa, wala rin naman akong kasabay kumain at sigurado akong pagbubulungan lang ako ng mga tao. "Sigurado ka ba, iha?" "Opo, Lola. Kainin nyo na po 'yan. Wag na po kayong mahiya." Nginitian naman ako ni Lola, "Maraming salamat, iha. Napakabuti mo." Napangiti naman ako sa sinabi ni Lola, "Wala po 'yon." Inalalayan ko syang maupo sa gilid ng kalsada para makakain sya ng maayos. Binuksan na nya ang lunch box ko at nag-umpisang kumain. Napatitig ako kay Lola. Wala na ba syang pamilya? Wala ba syang bahay? Saan sya natutulog? "Ang sarap naman nitong ulam mo. Sino nagluto nito?" Tanong nung matanda. "Mama ko po." Nalipat naman ang tingin nung matanda sa tuhod ko, "Napano 'yung tuhod mo? Bakit ka may sugat?" Napalunok ako. Naalala ko na naman ang nangyari kanina at hindi ko mapigilang mangilid ang luha ko. "N-Nadapa lang po ako." Sagot ko na lang. Natahimik ulit kaming parehas. Nagpatuloy lang sa pagkain ang matanda at para bang sarap na sarap talga sya sa ulam ko kahit na simpleng adobo lang iyon. Mayamaya pa ay narinig ko ulit syang nagsalita. "Kaya ka ba umiiyak kanina?" Hindi ako nakasagot. "Alam mo, iha. Hindi ka malas, hindi ka duwag at mas lalong hindi ka lampa," Sabi ni Lola. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil narinig nya pala ang mga himutok ko kanina, "Mabuti kang bata at higit sa lahat ay malinis ang iyong kalooban. Matapang ka at matatag. Mas pinili mong hindi sila gantihan sa mga ginagawa nila sa iyo. Mas pinili mong magbingi-bingihan sa mga bulungan na naririnig mo tungkol sayo kaya masasabi kong hindi ka duwag." Nagulat ako sa mga sinabi ni Lola habang nakangiti sya sakin. Para bang alam na alam nya kung ano ang nangyayari sa buhay ko. "P-Paano—" "Hindi na mahalaga iyon, iha." Inayos nya na muna ang lunch box ko matapos nyang maubos ang laman noon, "Maraming salamat, iha. Hayaan mong bayaran ko ang kabutihang asal na pinakita mo sa akin." "Nako! Lola, hindi na po! Okay lang po. Hindi nyo na po ako kailangang bayaran." Atubiling sabi ko pero nginitian lang ako ni Lola bago tumayo at hawak na ang kanyang tungkod. Tatlong beses na tinuktok ni Lola ang pinakadulo ng kanyang tungkod sa kalsada at sunod kong naramdaman ang banayad na hanging umikot sa pwesto ko. Tiningnan ko ang paligid at namangha ako nang makita ko ang banayad na pasabay ng mga tuyong dahon sa hangin. Maski ang puno sa paligid ng kalsada ay parang sumasayaw sa hangin. "Sinisigurado kong magbabago ang iyong buhay kinabukasan pagkagising mo.." Iyon na lang ang narinig ko at mabilis na nawala ang matandang babae sa harap ko. Nawala na rin ang banayad na hangin sa paligid. Naiwan akong nakatanga sa gilid ng kalsada at naguguluhan. Nananaginip ba ako? Napatingin ako sa gilid kung saan nakaupo ang matandang babae kanina at tanging ang lunch box ko na lang ang nandoon. Kinuha ko ito at inalog. Wala ng laman. So totoo ang nangyari kanina? Kung ganoon, bakit biglang naglaho si Lola? Bigla akong kinilabutan kaya dinampot ko kaagad ang walang laman ko ng lunch box at nilagay sa bag ko pagtapos ay tumakbo na kagad paalis sa lugar na 'yon. Bigla ko tuloy naalala ang mga kuwentong umiikot sa school na may kaluluwa raw ng matandang babae ang paikot-ikot sa labas ng school. Ang sabi sa kwento ay hinahanap daw ng matanda ang kanyang puntod kaya hanggang ngayon ay hindi raw ito matahimik. Ang sabi-sabi pa ay baka raw nasira na ang puntod ng matandang babae noong pinagawa itong school kaya imposible na raw itong makita pa ng matanda. Naramdaman kong nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa takot nang maalala ko ang horror story na 'yon. Shems! Bakit ba hindi ko kagad naalala ang kwento na 'yon nung nakita ko 'yung matanda? Paano kung laging magpakita sakin 'yon? Tapos ipahanap nya sakin 'yung puntod nya? Nakooo! Na-touch na sana ako sa mga sinabi nya tungkol sakin tapos malalaman ko na sya pala 'yung matanda sa kwento. "Sinisigurado kong magbabago ang iyong buhay kinabukasan pagkagising mo.." Bigla kong naalala ang mga huling salitang binitawan nung matanda bago sya nawala sa paningin ko. Crap! Ano ang ibig sabihin nung mga salita binitawan nya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD