bc

SWITCH

book_age12+
7
FOLLOW
1K
READ
body exchange
arrogant
badboy
goodgirl
self-improved
comedy
humorous
highschool
like
intro-logo
Blurb

What if you woke up one day and find yourself inside the body of the most bully and first rate jerk of your school? Well, s**t happens.

chap-preview
Free preview
1: VANDER
VANDER's POV "Ayaaaan! Sige pa! Alam ko namang kulang ka sa paligo kaya pasalamat ka at pinapaliguan kita!" Humalakhak pa ako habang pinapanood ko ang pagtulo ng orange juice mula sa ulo nyo nya pababa sa kanyang damit at sapatos, "Alam mo naman kasing dumadaan ako tapos haharang-harang ka sa daan. Alam mo bang imported itong sapatos ko? Tapos tatapakan mo lang?" "H-Hindi ko naman s-sinasadya—" "Hindi sinasadya?! Eh kung ilampaso ko kaya ang mukha mo sa buong school? Anong gusto mong sabihin? Na ako ang may kasalanan?!" Nanlaki ang mata nya at kitang-kita ko na ang matinding panginginig ng katawan nya. Baka isang sigaw ko pa ay tumihaya na ang gagong 'to sa takot. Tahimik lang ang buong paligid pero alam kong marami ang nanunood sa ginagawa ko.  "S-S-Sorry na, V-Van—" "That's master for you!" Pagtatama ko. Nanginginig naman ang mga labi nya at lumuhod sa harap ko. Tsk! Kalalaking tao tapos napakaduwag naman! "M-Master Van! Sorry na talaga! Hindi na mauulit! P-Parang awa mo na!" Pinagdikit nya pa ang dalawang palad nya habang nakaluhod laya mas lalo akong nairita sa kanya. "Sa susunod na humarang ka pa sa daanan ko ay baka malunod ka na sa juice na ibubuhos ko sayo. Naiintindihan mo ba?!" "O-Oo! N-Naiintindihan ko!" "Tsk! Layas! Ang sakit mo sa mata!" Kumaripas naman kagad sya ng takbo palabas ng canteen, "Tss, walang kwenta!" "Chill, Van." Natatawang sabi ni Mico. "Chill? Eh, kung sapakin kaya kita?" Inis kong sabi sa kanya. Badtrip talaga! Kabago-bago ng sapatos ko tapos tatapakan lang ng walang kwentang ungas na 'yon! "Oh, baka naman pati ako paliguan mo rin ng juice." Natatawang dagdag pa ni Mico. Sira ulo talaga. "Letse! Badtrip!" Naglakad na ako palabas ng canteen. "Hoy! Saan ka pupunta?!" Sigaw ni Mico nang iwan ko sya sa pwesto namin. "Sa empyerno!" Sigaw ko ng hindi lumilingon sa kanya. "Okay! Ingat!" Pahabol pa nya.  Gago talaga 'yon! Lakas mang-inis! Dire-diretso na akong pumunta sa parking lot at sumakay sa motor ko. Sinuot ko ang helmet ko bago paandarin ng mabilis ang motor. Hindi pa man ako nakakalabas ng gate nang may isang babae ang biglang nasubsob sa gitna ng daanan. Mabilis akong napapreno dahil sa gulat! Puta! Muntik ko na syang magulungan! Inis kong tinanggal ang helmet ko at tinitigan ng masama ang lampang babaeng nakadapa ngayon sa kalsada. Nahinto naman sa tawanan ang kumpol ng mga babae sa tabi nya nang makita kung sino ako. "Hoy! Kung gusto mong magpakamatay doon ka sa highway! Maraming truck doon! Tangina, dudumihan mo pa 'tong motor ko! Walang kwenta!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakayuko sya at nanginginig ang kanyang katawan. "Sa susunod na bumulagta ka pa sa dinadaanan ko tutuluyan na talaga kita!" Sinuot ko na ulit ang helmet ko at pinaandar na ulit ang motor ko. Badtrip talaga! Nakakapikon ang araw na 'to! Tapos isa pa 'yung babaeng lampa na 'yon! Paano kung nasagasaan ko sya? Eh 'di nadumihan pa 'tong motor ko at nayari ako sa erpat ko?! Letse talaga! Sa pangalawang pagkakataon ay bigla na naman akong napapreno nang may isang matandang babae nakabelo ang sumulpot sa kung saan sa gitna nga kalsada. Anak ng! Bakit ba napakaraming mga basura ang pakalat-kalat sa daan ko?! "Putangina naman oh! Magpapakamatay ka bang matanda ka?! Alam mo namang maraming mabibilis na sasakyan ang dumadaan dito tapos dito ka pa tatambay! Baliw ka ba, ha?! Punyeta talaga!" Sigaw ko. Badtrip! "Pasensya na, iho. Pwede ba akong makahingi ng kaonting tulong sayo?" Mas lalong nagpantig ang tenga ko sa sinabi ng matandang uugod-ugod. Lumapit pa sya sakin habang nakasuporta sya sa kanyang tungkod. "Humarang ka sa daanan ko para lang mamalimos?! Aba, tindi ko naman, tanda! Lakas din ng trip mo, 'no?! Naka-rugby ka ba, ha?! Hindi ako magbibigay ny limos sayo kahit pa mahiga ka dyan sa daan!" Isusuot ko na sana ang helmet ko ng marinig ko ang tatlong malalakas na pag-tap ng matandang babae ng kanyang tungkod sa kalsada. Biglang lumakas ang hangin sa paligid dahilan para magliparan ang mga tuyong dahon ng mga puno sa gilid ng kalsada. "Napakasuwail at aroganteng binata. Pagsisisihan mo ang kapangahasan mo. Sinisigurado kong may kalalagyan ka.."  Kinilabutan ako nang biglang ngumiti ang matandang babaeng nakabelo sa harap ko. Isang kakaibang ngiti na nakapagpatindig ng aking balahibo. Halos manginig ako sa takot nang muling umihip ang malakas na hangin at nagpaikot-ikot sa pwesto namin ang mga tuyong dahon. Unti-unting dumilim ang kalangitan at nag-umpisang kumulog at kumidlat. What the f**k?! Anong nangyayari?! "Pagsisisihan mo ang mga kasalanan mo binata. Isinusumpa kita! Malilipat ang iyong kaluluwa sa katawan ng huling taong inapi mo!" Parang nag-echo sa pandinig ko ang mga sinabi ng matanda bago sya nawala ng isamg iglap sa harapan ko. Nahinto na rin ang malakas na hangim at ang pag-ikot ng mga dahon sa paligid. Unti-unti na ring lumiwanag ang paligid na para bang walang nangyari habang ako ay naiwan lang na tulala sa gitna ng kalsada. Mabilis na kinapa ko ang katawan ko. Ako pa rin naman ito at hindi naman nalipat ang kaluluwa ko. Pakshet! Na-hypnotize pa yata ko ng matandang 'yon! Tiningnan ko pa ang mga gamit sa bag ko dahil baka mamaya ay binudol-budol ako nung matanda. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong kumpleto pa ang mga gamit ko at walang nawawala sa mga ito. Shet! Nilingon ko ulit ang paligid at hinanap ang matanda pero hindi ko na sya nakita pa. Ano 'yung nangyari kanina? Na-engkanto yata ako! Pucha! Umalis na kagad ako at pinaandar ng mabilis ang motor ko pauwi sa amin. Pilit kong inalis sa isip ko ang nangyari kanina. "Pagsisisihan mo ang mga kasalanan mo binata. Isinusumpa kita! Malilipat ang iyong kaluluwa sa katawan ng huling taong inapi mo!" Napailing na lang ako nang maaalala ko ang mga huling salitang binitawan nya. Mukhang naka-drugs nga ang matandang 'yon. Imposibleng magkatotoo ang mga sinabi nya. Modern days na ngayon kaya hindi na totoo ang mga sumpa na 'yan! Ha! Ako pa talaga tinakot nya! Sa susunod na makita ko talaga ang matanda na 'yon ay makakatukan ko sya sa ulo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

An Innocent Angel

read
178.0K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.6K
bc

THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR

read
751.2K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.7K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
491.4K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook