KABANATA VI – “PERFECT BOYFRIEND” NANGANGAMOY alak pa rin talaga ako. Nakasiksik na sa tela ng suot ko ang pawis at dugong nanuyot na mula pa kagabi. Gusto ko na talagang maligo dahil hindi ko naman gustong maabutan ako ni bakla na ganito ang kalagayan ng itsura ko at hindi ko rin gustong maamoy niyang mabaho na ako. Hindi naman daw maarte si Henry sabi ni Lorenzo, pero mabuti na iyong dapat lagi akong mukhang presintable sa tuwing makikita niya ako. Paano niya pa ako magugustuhan kung sa simpleng hygiene lang hindi ko na magawa. Bumuga pa ako ng hininga sa kanang palad ko at hindi ko na rin nagugustuhan ang amoy, amoy nanuyong alak at parang nasusuka na ako. Paano pa muling makikipaghalikan sa akin si bakla kung ganito ang amoy ng hininga ko? Gayunpaman, wala akong dapat sayangin na

