KABANATA VII – “THE PIT” “MAS maganda ka pala sa personal.” Unang bati ko sa kaniya pagkapasok na pagkapasok niya rito sa masasabi kong kwarto niya ata. Malinis, maayos, makulay… babaeng babae. Malaporselana ang kutis. Para pala siyang isang diyosa. Hindi nakamamatay ang kagandahan niya pero pumapatay. Nakaupo lang ako rito sa dulong kanto ng kaniyang malambot na kama. Siguro mga higit sampong minuto pa lang naman akong naghihintay sa kaniya. Dumiretso na ako rito ng malaman ko kung saan ang address niya. Kinuha ko kasi ang litrato nila ni pareng bartender sa bahay ng pinatay na nanay niya. Meron akong kakilalang magaling maghanap ng mga tao na namamalagi rito sa San Pedro. Wala atang pangalan na hindi nya naibibigay sa akin ang impormasyon. Maliban na lang kung hindi talaga rito. “Si

