KABANATA XVII – “UTOL” “MAYROON pong tatlong malalakas na tauhan si Baros kaya hindi ka basta-basta makakalapit sa kaniya; si Gokou, Vegeta at Freza.” Pagri-recite ulit sa akin ni Lorenzo. Siya talaga kasi ang kumausap kay Rick sa phone dahil tinatamad akong makipag-usap sa kaniya at isa pa, maasahan ko talaga ‘tong batang ‘to kasi matalas ang memorya niya, “…kuya Ivan, ‘di bas a Dragon Ball iyong mga pangalan na iyon? Siguro po mahilig sa anime si Baros. Hindi naman po nila siguro tunay na pangalan ang mga iyon.” “Sigurado ka bang iyon ang sinabi sa iyong pangalan ni Rick? Gago iyong lalaking iyon ah.” Nakahawak ang dalawang kamay ko sa manubela. Tutok ako sa kalsada. Malapit-lapit na rin naman kami sa hotel na tinutuluyan ng matandang iyon. “Seryoso raw po siya Kuya Ivan. Hmm, p

