KABANATA XVIII – “*PLOT TWIST” KANINA pa talaga ako gising, hindi rin ako masyadong nakatulog talaga. Nakalimutan ko rin uuwi si Henry. At mukhang pinaasa lang naman niya ang bata. Baka dumiretso na iyon sa Santiago. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko tungkol sa kapatid ko. Sa mga sinabi niya sa akin tungkol sa mga magulang naming. Alam kaya ni Tiya ang tungkol dito? O baka naman nagsisinungalin si Mike, na Roy na raw siya ngayon. Pagkakatanda ko---ako ang laging pinagagalitan nila mama at papa. Laging na kay Mike ang atensyon nila… naiinggit ako? Hindi dahil masaya ako para sa kapatid ko. Mahal ko ang kapatid ko. Mahal ko si Mike---pero ibang iba na siya ngayon, parang hindi siya ang kapatid na hinahanap ko. Tapos pinaalalahanan niya pa akong bantayan ko raw si Henry. Paa

