KABANATA XIX – “BARBO” TATLONG linggo na ang nakalilipas mula noong kinausap ako ni Tita na kung maaari ay patuluyin ko muna siya sa aking tinitirahan. Hindi ko muna siya sinama sa bahay sa halip ay pinatuloy ko muna siya sa isang apartment na nirirentahan ko. Iniwanan ko lang siya roon. Binibisita ko naman sya pero hindi ko siya naabutang gising. Wala siyang ibang ginagawa kung ‘di ang matulog. Hindi ko alam kung anong pinagdaraan niya noong mga sandaling iyon, wala naman akong lakas ng loob para kausapin pa siya. Pinanatili ko pa rin ang pagiging suplado ko. Sa totoo lang hindi ko rin talaga alam kung paanong naging magkakilala sila ni Mamita. Hindi ko na rin naman talaga siya natanong pa. Kinabukasan ng araw na iyon, kumalat ang balita tungkol sa m******e sa katayan sa Dominico.

