“Breathe, because you really need to go live.” Sabi ng doktor ko sa akin.
“Obvious naman po dok, kahit naman po sino dapat huminga.” Tanging lintanya ko, nakatanggap tuloy ako ng kurot sa may tagiliran ko galing sa aking nanay.
“Nagbibiro lang yan dok, umayos ka nga anak.” Tanging tugon nito
“Di ko alam nangyari at nag kakaroon na naman ng tubig sa baga mo, dati naman napakaliit na ng percentage ng ganitong scenario e, iniinom ba mga gamot mo??” Mahaba nyang lintanya, iniinom ko naman e. Okay, yung iba, pero kasi… basta mamatay din naman ako so bakit ba?? Di na lang ako umimik.
“So you’ll be staying here again, miss your room??"
“Hehehhe” sarkastiko kong tawa.
“I’ll be prescribing you again some medications and I hope that will slower the accumulation of water in your lungs, hmmm.”
“Thank you po doc.”
Tumayo na kami at bumalik na sa kwarto ko since I was 2 years old.
I am Hope Harold Salonga, I was diagnosed with pulmonary fibrosis.
Lung disease sya na nakukuha sa mga polusyon, sabi sa akin ang pinakamahabang life expectancy neto is 3-4 years pero dahil napaka aga kong na diagnose naagapan lahat ng komplikasyon. 18 years na ako dito sa ospital na ito, highschool graduate ako pero di ko na talaga ni push mag college kasi baka mapaaga pa ang pag kuha sa akin ng kamatayan e, si mama naman sya talaga nag aalalaga sa akin, di ko alam kung saan nya nakukuha yung lakas at tyaga nya para alagaan yung isang katulad ko pero thankful pa rin ako kasi andito sya. Kahit one day mauuna pa akong mawala kesa sa kanya.
“Anak, please naman pilitin mong mabuhay, ang sarap sarap kayang mabuhay anak.” Sabi na lang ni mama, napansin nya siguro ang tamlay tamlay ko.
“Ma naman, ano po ba tingin nyo sa 18 years kong paghinga ng hangin na galing sa lata??” sarkastiko kong banat sa nanay ko, pinipilit ko naan e.
Gets ko naman yung point na worried sila sa akin but with this condition ang sa grabe ng nangyayare, ang hirap kumapit. Isn't enough that I have lived 18 years in this world??
"Harold. Ano ba yang salita na yan?? Gusto mo ba ito na sa ospital na lang iikot ang buhay natin?? Ang buhay mo ang buhay ko??" mahabang pag rereklamo nya.
Medyo na guilty ako dun ha, all my life this disease have given me this way of living nobody will enjoy. Kung ayaw ko ito, alam kong mas ayaw din ng nanay ko.
"Sorry ma." Tanging na isagot ko
Niyakap nya naman ako at hinalikan sa noo. Pag katapos nun kumalas na sya at nag ayos ng mga gamit.
Matapos ng medyo mahabang pagkatulala, lumabas na ako kuha yung oygen tank kong maliit saka umalis.
“Saan ka nanaman pupunta?!” Sigaw ni mama.
“Kay Irene po, babalik din po ako.”
Habang naglalakad ako maraming nag bumabati sa akin, di dahil famous ako, kasi 18 years ba naman akong nandito talaga namang kilalang kilala na nila ako, meron akong naging kaibigan dito, merong yung may mga mas malalang sakit kesa akin halos lahat namamatay yung iba nililipat sa ibang bansa pero wala na akong balita dun e, tapos yung mga mas mild na sakit kesa sakin ganun din, may mga gumagaling pero mas na ttrauma ako kapag may namamatay.
Yung anxiety and vulnerability ko after I lose someone I can consider a friend, yun ang ayaw ko.
Kaya naiisip ko siguro papunta din ako dun, pero kung maaga akong mag eexit paano yung mga di ko pa nasubukan??
Paano yung feeling na mag pa tattoo?
mamatay ba akong virgin??
Gusto ko pang mainlove e. Haysss.
“Hoy!!!” pangugulat sa akin ng nurse na kaibigan ko si Irene
“Ganyan naba welcoming ngayon??” tanging sagot ko
“May appointment ka?? Bat di ka alam?”
“Hulaan mo…” pabitin ko sa kanya
“Ah okay gets, back to reality ule??” na gets nya na siguro, kaibigan ko nga ito.
“oo daw, di ko nga alam kung bakit e okay naman na ako hmmm.” Naglakad na kami para pumunta sa may desk nya.
“kung okay ka bakit ka naman andito aber??” paguusisa nya sa akin.
“Malay ko nga e.”
“Siguro di mo iniinom yung gamot mo no??”
“grabe namang teorya nyong nasa medical field haha” biro ko nalang
“Nako ikaw talaga, napaka tigas ng ulo mo ano??” tangi nyang sabi
Tumawa na lang ako, sakto namang may tumawag sa kanya at sinagot nya ito.
“Yes?? Ahhh bakit??? Opo opo. Ahhh sige.”
Pagkababa nya hinila nya kaagad ako
“Hoy ano ka ba Irene saan tayo pupunta??” Tanging sabi ko habang hinhingal
“Dun sa may Chapel sige na samahan mo lang ako, wag ka ng mag salita.”
"Si mama ba kumausap sayo o si Doc na ipunta ako duon??"
"Hinde, halika na eto dami pang ebas e onti na nga lang hangin sa baga."
Tanging sabi nya sabay hablot sa akin. Wala na rin akong nagawa at sumama na lang ako sa kanya.
“teka mag hahagdan tayo e sa isa pa yun na floor gusto mo atang mapa aga sundo ko e.” sabi ko sa kanya habang humihinga ng malalim sa cannula ko.
“Okay fine mag eelevator tayo arte naman neto.” Di ko na lang sya pinansin sa banat nya
“ano bang ganap sa may chapel??”
“basta sige na please, since andito ka na hehe”
“ewan ko sayo hahah” tanging sabi ko
“Thank you.”
Pagdating namin may mga tao pero siguro mga sampu lang sila pag pasok namin sa chapel may nag sasalitang lalake. Maputi sya tapos matangos actually cute sya matangkad at maganda rin ang build.
“Having faith in times of this will save your lives, kasi di naman sya nagbibigay ng pagsubok sa atin kung di naman natin kaya e.” mahabang lintanya nito, ay so isa syang inspirational speaker? Hmmm.
“and, also don’t lose hope, lumubog man ang araw, may buwan at bitwin pa naman para mag bigay ng liwanag sayo.” Ha ano daw?? Napakunot noo na lang ako sa analogy na ginamit nya anong connect ng paglaban sa sakit sa isang natural phenomena??
“Paano ka mabubuhay kung wala kang pag-asa?? Yun na lang ang bubuhay sayo lao pat andito ka ngayon.”
Napataas na lang ako ng kamay di ko alam kung bakit pero nung nakatingin na silang lahat duon ako natauhan.
“Ahmm yes mr. newbie??” sabi nya.
“Ay ahmmm wala wala tuloy mo lang.” pag bawi ko ng kamay ko sa ere, napatingin na lang din si Irene sa akin ng wala sa oras.
“No, you are raising your hand so I guess you are sharing some interesting words for us??”
Nakatingin na lang sa akin si Irene at nag tataka, ako rin di ko alam pero nakuha ako dun sa last statement nya, na di ka mabubuhay kung wala kang pag asa. Lame.
Tumayo ako at buong lakas nag laad ng opinyon.
“Duon sa last statement mo kanina, ahmm di ka mabubuhay kung walang pag asa, e paano kung naubos na?? Kung sinagad na talaga ng… panahon?? At ng sakit na 'to.”
“Well sabi ko naman kanina lumu,bog man ang araw, may buwan at bitwin pa rin naman na mag papaliwanag sa daan natin.” Sagot nya.
“Well di mo naman pwedeng itugma ang isang natural phenomena sa deadly disease no?? Para ka namang nag pakain ng d**o nun sa lion??” sabi ko na lang uupo na sana ako pero di pa rin sya tapos.
“Listen, I don’t know what is your point, it’s pretyy vague actually.” Sabi nya na nag pa kunot ng noo ko, napatawa naman yung kasama namin sa Chapel nuon.
“What I'm saying is if u gave up easily, paano ka?? At paano uung mga mahal mo sa buhay?? Living your life is okay pero syempre iba kung meron kang pamilya. Siguro yung advice ko kanina di applicable sayo pero sure ako 99% ng tao dito ay applicable yun, siguro ikaw yung 1% .” sabi nya na nakapag patawa na naman ng mga kasama namin sa chapel.
Gusto ko sanang sumabat pero kinalma ko na sarili ko baka di ko mapigilin makasabi pa ako ng di maganda naasa chapel pa naman din kami.
“What I am saying is, your diseases pinned you down, parang pinutulan kayo ng isang paa but still you still have you other feet.” Sabi nya, ayan na naman sya sa analogy nya.
“It is you, kaya humanap ka ng pag asa, pwede sa Kanya sa pamilya mo, friend or kahit na kanino, kahit pa sa akin mr. newbie” sabi nito sabay ngiti napatawa na naman yung mag tao dito.
Ano kaya nakakatawa dun di naman sya comedian, napairap na lang ako sakanya.
“And kapag nahanap nyo na yung hope na magiging tungkod nyo to move forward, para di ka na lang anduon sa situation na nag papahirap sa'yo. Right mr. newbie??” sabi nya nakapag pairap sa akin.
Napatayo na lang ako bigla, medyo gusto ko rin talaga sumagot kasi hindi naman alam ni inspiration boy ang pinagdadaanan ng mga taong sinasabihan nya ngayon.
"Pero syempre hindi mo naman dapat sabihin na lang silang tumakbo when they only have one foot." Pag sabat ko na kunuha sa atensyon ng maliit na chapel ng ospital.
"And of course you will still romanticize hope to keep people goin but it is should not come from you. Nasubukan mo na bang pagsapit nang unang kaarawan mo hindi ka na makaihip ng kandila kasi wala ka ng hangin sa baga mo??"
"You have hope because you are privilege enough to live."
Pag tapos ko sa argumento ko, take not hindi ako umiyak, hindi rin nangilid yung mga luha ko. Sobrang off lang kasi na sa kanya pa talaga mang galing lahat ng bagay na iyon e wala naman syang ideya sa hirap.
Napa tingin na lang silang lahat sa akin na nakatayo pa rin habang si inspirational boy e naka ngiti pa rin sa akin.
"Well mr. newbie, I was diagnose with cancer when I was 15. That event changed my life." Pag umpisa nya sa sigurong mahaba niyang speech.
Okay so, cancer patient pala sya dati.. okay ..
"So I believe I am qualified to... romanticize hope kasi I, myself, experienced the lows of having a sickness you never wanted."
Mahabang lintanya nya... Hindi ko na realize yun ha, na kaya nya ginagawa ito dahil he had experience. Hay bunganga ko kasi e.
Uupo na sana ako nung nagsalita pa sya ulet.
"What is your name again mr. newbie??" tanong nya habang naka ngite.
“Hope, Hope Harold.” Tanging tugon ko na nagpatawa sa mga tao ngayon dito, ano kayang nakakatawa sa pangalan ko, di naman pang mukhang mabantot a??
“See Mr. Hope…Harold may pag asa pa rin dyan sa sarili mo, di man spiritially pero atleast meron... sa name, hehe.” Sabi nya nakakapag burst out ng tawa dito sa loob ng chapel.
Loko tong mga to lalo na tong waley na speaker na to a, kala mo close kami.
Umupo na lang ako at napansin kong humahagikgik din si Irene.
Tinignan ko na lang sya ng masama tapos nag peace sign na lang sya sa akin.
Tuloy pa rin yung salita ng waley na inspirational speaker. Hindi na lang ako nakinig at pinatagos ko na lang sa kabilang tenga ko lahat ng sinasabi nya.
Nung matapos lumapit sya sa akin at nag pakilala.
“Sean, Seam Francisco.” Sabay abot ngkamay nya
“pake ko??”
“ang ironic no, Hope ka pero wala kang pag asa??” napatingin na lang ako sa kanya ng masama
Ayaw ko nang patulan baka makapag bitaw pa ako ng mga salitang di appropriate na sabihin dito sa chapel
“well if gusto mo andito ulit ako bukas para I boost natin yung Hope mo para naman ganahan kang mabuhay.”
“No thank you.” Ikling tugon ko.
“Well if u insist sige na Mr. Hopeless Harold.” Napatingin na lang ako sa kanya ng masama saka umalis
Di ko na hinintay si Irene kasi napipikon talaga ako, bwisit na yan sumisikip tuloy yung dibdib ko sa lalaking yun. Hay nako makaka bawi di ako sa lalaking yan.
Sean Francisco ako waley na inspirational speaker.
++++++++
Like and comment!