TW: DISCUSSION ABOUT SELF HARM AND SU**IDE
Seryoso napipikon talaga ako duon, feeling inspirational speaker pwe. Pero cute sya ah, pero as in nakaka pikon talaga sya.
"Huy te, san ka nang galeng, bat ka umalis agad??" Tanong ko ni Irene sa akin
"Seryoso ba yan? Napahiya na nga ako duon mag stay pa ba ako duon??"
"E ikaw kasi pataas taas ka pa ng kamay dyan, gusto maki debate te??" Birada nya sa akin
"Bakit kasi dun tayo pumunta??"
"Kasi nag text si doc may forum daw na nangyayare sa chapel ngayon ipunta daw kita." Paliwanag nya.
"Kayo talagang taga medical field ha hehe" sabi ko na lang sa kanya.
"pero cute yung si kuya ha. Parang nakita ko na sya dito once, parang patient din yun dito e."
Nakuha naman yung atensyon ko dahil dun.
"o talaga?" sabi ko na lang na nagtataka.
"te alam mo maiisip ko na talaga type mo yun, kasi kanina nag papansin ka sa kanya tapos ngayon curious ka ano ba mag laladlad ka na ba??" mahabang biro nya sa akin.
"anong type inis na inis nga ako duon e kala mo kung sino."
Napahinto naman si Irene dahil duon.
"alam mo naman ang kasabihan na the more you hate the more you love ano?? Ayieeee, for the first time in forever nainlove ang lolo mo!"
"Huy siraulo ka, jan ka na nga inaantok na ako." Nilayasan ko na lang sya kasi napipikon talaga ako sa mga nangyayri.
Oo sige cute sya at Bi ako pero nakakainis sya e, kahit sa anong angulo ang g**o!
Pag dating ko sa kwarto ko may narinig akong nag uusap at medyo naka bukas ang pinto. Nakinig naman ako sa usapan nilang dalawa at nakita kong nag uusap si Doc pati na rin si mama.
"Bakit ngayon pa??" Sabi ni mama
"di ko rin alam, nakatanggap lang ako ng tawag kasi nakikita nila wala namang progress or outcome sa nangyayari." Sabi ni doc
Di ko pa rin sure kung tungkol saan ang pinag uusapan nila pero malakas ang kutob ko tungkol sa akin 'yon.
"Outcome?? Hindi experiment sample ang anak ko!!!" Bulyaw ng nanay ko, duon na ako natauhan at pumasok sa eksena
"Ano nangyayri diti doc??" tanong ko pag katapos kong buksan ang pinto.
"Harold, anak." Sabi nalang ni mama na umiiyak
"Ma, doc ano nangyayri?? Tungkol ba sa akin yung pinag uusapan nyo??"
"Hope, wag kang mabibigla, I want you to hear this right."
Kinabahan naman ako duon at medyo nanikip ang dibdib ko.
"They hold 25% of the funds for your ongoing treatments, we want to shoulder the remaining percentage pero di kaya ng ospital. They can shoulder only 5% of the hold fund, but that's it."
Nangingilid ang mga luha ko, di dahil binawasan nila yung pondo kundi dahil sa hagulgol ng nanay ko sa dibdib ko, ramdam ko yung sakit nya kasi alam kong maghihirap na naman sya gugulin ang 20% na kailangan namin.
"I will waive my professional fee, but still, it wasn't that much knowing you need an intensive treatment since your condition is..." di nya tinulou ang sinabi nya.
Oo alam kong malala na ang sakit ko, napakahirap lumaban pero kailangan ba talagang bawasan ng chance ang survival rate ko??
"Bakit daw po??" tanging tanong ko, ngayon lang ako nakapag salita dahil naninikip talaga dibdib ko.
"They don't see anything new or progress, nakikita lang nila na pababalik balik ka dito, and..." napabuntong hininga sya pag katapos nyang mag salita.
"So what's the backup plan??" Tanong ko
"Like I said, the hospital will shoulder only 5%, and I waived my professional fee. You only have to fill the remaining 16 to 18% estimated left."
"Okay, para fill yung 18% tanggalin nalang itong cannula?? Sige tanggalin itong cannula." Tinanggal ko ang cannula ko na nakapag pa taranta sa mga kasama ko
"Anak ibalik mo anak." Tanging sabi ni mama na pilit isinusuot yung tubo sa ilong ko.
"O...ilang.. percent na lang... doc?? Ha???" umiiyak ako at hinihingal kasi nawawalan ako ng hininga
Finally nakahanap na si mama ng chance para maikabit ang tubo sa ilong ko. Huminga muna ako ng malalim kasi talagang hinahabol ko yung hininga ko.
"I really understand you right now. Trust me, I do, but please di pa dito natatapos ang lahat, kailangan mong mabuhay. It is not the end of the road." Tanging sabi nya.
"They just ended the road for me." Pag kasabi ko nun umalis na ako, nag lakad ako nga mabilis, naririnig ko pa ang sigaw ng nanay ko at si doc pero di ko ito pinansin
Patuloy lang ako sa paglakad, dumaan na rin ako sa hagdan para pumunta sa may rooftop pero napansin ko si waley speaker.
Napansin nya ako ag napangiti sya dahil duon.
"uy Hope! San pu-?" di nya natuloy ang pag salita nya dahil nakita nya siguro na wala ako sa mood
"uy Hope okay ka lang??" di ko sya pinansin at patuloy na nag pataas para pumunta sa may rooftop at mag mukmok.
+++
Kanina pa ako umiiyak basta sinigaw ko ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Alam mo yung maliit na nga yung chance na maging okay ang lahat pero binawasan pa ito, nang hindi lang kakapiranggut na chance kundi big time.
Kanina pa sumasakit yung dibdib at ulo ko, siguro dahil sa sama ng loob. Wala namang tao dito madalas kaya sige lang ang pag iyak ko. Presko rin kaya talagang masarap mag palamig dito.
"Paano kaya kung magoakamatay na ako??" sabi ko, dahil ako lang naman ang tao dito meyo malakas ang ang pag kasabi.
Pero para naman akong tanga no?? Mamatay na nga ako I papa aga ko pa??
Hihintayin ko na lang kesa unahan ko. Ready na akong umalis dito kaya tumayo na ako at nag pagpag.
"Wag mong gagawin yan!!" sigaw ng tao sa likod ko.
Napalingon naman ako sa kanya kaya at nakita kong si waley speaker pala yun. Anong ginagawa nya dito??
"anong ginagawa mo dyan??" tanong ko dito habang nakatayo sa edge ng rooftop sya naman nasa may pinto kaya medyo malayo sya sa akin.
"e ikaw anong ginagawa mo dyan, alam mo bang kasalanan yang gagawin mo??" medyo nanginginjg yung boses nya ewan ko kung naiiyak sya pero parang oo
"Bakit di naman ako tatalon a, masakit kayang mauntog." Biro ko na lang sa kanya.
"Please bumaba ka na dyan, please lang talaga."
"e, kunin mo ako dito."
"Bumabaka na jan isa!" o tatay ko ba 'to??
Natatawa tuloy ako sa kanya.
"Sige na dali kunin mo kamay ko."
Napa buntong hininga sya, pero unti unti syang lumapit sa akin. Nakakatawa yung itsura nya kasi parang nagiingat sya na may ayaw syang magising.
Pag kaabot nya ng kamay ko bumaba na ako pero biniro ko sya na oarang nahulog ako sa kanya. Mukha syang nag aalala na na bwibwisit sa akin. HAHAHHAHAH buti nga naka ganti na rin ako.
"Hindi yan magandang biro a." tanging sabi nya.
Medyo nag ccrack yung boses nya na ewan.
"uy okay lang?? Nag bibiro lang naman ako, di ako tatalon." Pag paliwanag ko kasi parang iiyak na e.
Tumalikod naman ito at aalis, hinabol ko sya at hinila yung likod nya.
"uy concern sya sa akin hahaha" pag bibiro ko sa kanya.
"tumigil ka nga baka konyotan kita dyan e, kanina ka pa kasi umiiyak, tapos sabi mo mag papakakatay kaya nataranta ako."
"kanina ka pa nandyan?? So narinig mo lahat ng pag drama ko??"
"Oo at bwisit ka pwede namang gawan ng paraan yan pero papala tuwakal agad gusto mong sira ulo ka."
Nagtataka talag ako sa kanya seryoso. Conecrn sya pero naasar sya.
"alam mo di mo pa rin ako ma ggets e. Kasi wala ka namng sakit at wala taning yang buhay mo." Tanging sabi ko sa kanya.
Tinaas nya naman yung t shirt nya ta nakuta ko yung katawan nya, may abs naman kahit papaano pero nakita ko yung mga peklat sa katawan nya, matami yun mga four or five hiwa sya na naging peklat na.
Tumalikod sya sa akin at hinawi ang buhok nya at duon parang may poknat na peklat na naka linya hanggang sa may batok nya.
"May cancer din ako, worst case scenario oo, pero naka survive ako. Yung survival rate ko mas mababa pa sa in eexpect nila pero nakaya ko."
Nakatitig lang ako sa kanya. Di ko alam na may ganyan syang side ng story.
"Iniisip ko yung mga taong nag effort lang para mabuhay ako, wala akong sponsor pero gumaling ako. Kaya bago mo isipin ikaw ang pinaka malas na tao sa mundo, isipin mo may nakaratay na ibang tao nawalan ng hininga at wala rin silang pangkain, napaka swerte pero binabalewala mo lang lahat nga yun." Mahabang pag sermon nya.
Tinamaan akod dun, para akong sinampal at nagising. Napaka entitled ko masyado na ako lang ang nag hihirap. Di ko iniisip ang nanay ko at lahat ng pwede kong maiiwan. Lahat ng pagod at effort na masasayang lang kasi sumoko ako
Lumapit lang ito sa akin at yumakap ito. Nakaramdam din ako na parang hinhimas nya yung likod para kumalma.
"Please, lumaban ka. Have hope, Hope." Sabi nya sa akon habang nakayap sa akin.
Sumasakit ang dibdib ko at ulo ko pero ngayon sobrang lala as in paran bibiyakin yung ulo ko, di rin ako makahinga at nahihilo na rin ako.
Napaluhod ako dahil sa sakit na nararamdaman ko, wala na rin akong naririnig, inaudible nalahat, nakikita kong inaalayan ako ni waley speaker pero di ko naririnig yung sinasabi nya basta ang sakit lang talaga ng ulo at dibdib ko.
Nakita ko bumukas yung pintuan at nakita ko ang nanay at si Irene na natatarantang pumunta sa akin inaalog pa ako ng nanay pero talagang naiiyak ako sa sakit at di hinahabol ang paghinga ko.
Nakita ko na lang namay pumasok na mga nurse na may tulal tulak patient's bed, sinakay nila ako duon at sinuutan ng oxhgen pero wala pa rin di ako makahinga. Tapos biglang naging itim ang lahat.
+++
A/N: So how is the story going?? Please leave like or vote po hehehe and kung may suggestion or violent reaction let me know in the comment section, they are widely accepted po hehehe.
And for anyone having thoughts of self-harm, always remember help is available: https://www.parenting.org/article/Pages/cutting-and-self-harm-we-can-help.aspx