GEMSTONE 28 Scarlett/ Astrid's POV Nananatili lang akong tahimik at nakatulala sa kamay namin ni Trey na magkahawak. Minsan namamalayan ko nalang na napapangiti ako? Patuloy lang rin naman kami sa paglalakad. ''Astrid, bakit nandoon ka?'' ''Ha? Saan?'' ''Sa Fairies' Garden.'' ''Ah, dun ba sa garden? Wala lang. Nakita ko kasi, kaya pumasok ako.'' patuloy lang kami sa pag-uusap. Bumagal na nga ang kaninang mabilis na lakad-takbo namin. Parang wala kaming importanteng pupuntahan. E sa office nga raw ni Mr. Cavin diba? ''Hindi mo ba nabasa yung karatula sa gilid? Dangerous sa lugar na iyon. Kaya walang pumapasok roon dahil makukulit at pasaway ang mga fairies.'' ''I doubt it, Trey. Mababait at masayahin sila. Look, they even made this crown for me.'' ipinakita ko ang korona

