GEMSTONE 29 Scarlett/Astrid's POV Para akong lutang na naman habang naglalakad dito sa hallway. Paakyat na ako ng hagdan para pumunta dun sa 4th floor, specifically sa boys' dorms. Kagagaling ko lang sa office ni Mr. Cavin. Si Trey naman, may pupuntahan pa raw sa Library at matatagalan pa. May gagawin kasi itong homework namin. Magbibihis lang ako ng damit sa dorm dahil pawis na ako dito sa makapal na t-shirt ko, atsaka ko siya tutulungan doon sa Library. Yung tungkol nga pala sa sinabi ni Mr. Cavin pati na rin doon sa violet scroll. "Ikawang Crystal Moon. Ang itinakda na maging tagabantay at tagapanatili ng kapayapaan rito, Scarlett. Perosa ngayon, sabihin na natin na hindi ka pa ganap na Crystal Moon.. At ang scroll na 'yan ang magsasabi ng araw kung kailan ka magiging ganap na

