GEMSTONE 5
Date when this chapter was made: January 2015
Scarlett Astrid's POV
Pagkatapos ng klase ay sabay sabay kaming lumabas bumaba ng palapag. Hindi maiwasan ang bulungan ng mga estudyante sa paligid, lahat patungkol sa kumalat agad na balita na dinagdag kami sa royal colors.
Bakit daw. Wala naman daw espesyal samin. May mas master naman na daw sa magic, bakit daw hindi ang mga iyon nalang.
"Echoserang frog lang ang mga yon. In short naiinggit sila kasi ka-bonding natin ang royal colors, well well mamatay sila sa inggit! Muwahaha" si Sandy.
"Bakit nga kaya tayo inilipat doon?" balik tanong ko. Nagshrugged lang ng balikat si Sandy at nagpatuloy sa kinakain na popcorn galing sa bag niya.
Tumambay lang kaming dalawa ni Sandy sa dorm ko gaya ng nakakasanayan, ngayon lang ulit dahil laging may gala si Dionne kasama ang ibang friends niya tulad ngayon tapos natutulog naman ng hapon si Sandy madalas.
Pagkatapos ng kwentuhan ay nagkaayaan lumabas. Nasilip ko kasi sa bintana na abala ang mga tao banda doon sa may pamilihan, parang kakaiba ang dekorasyon at pailaw kaya gagala kami doon.
Kalalabas lang namin ng academy nang may lumapit saamin.
"Hi, guys!"
Sila Regina, Maxinne at Ice pala.
"Uy hello!" bati ni Sandy. Kasama rin pala nila si Dionne na nakabusangot ang mukha at mukhang badtrip.
Third Person's POV
"Gabi na a! Saan kayo pupunta ni Scarlett?" nakangiting tanong ni Maxinne.
"Naglilibot lang. Para kasing may special something dun sa may pamilihan, ang cute ng lightings." sagot ni Sandy.
"True! Kami kasi we're heading downtown din at Night Market. Seasonal harvest na kasi ng sweet fruits kaya ganoon ang ayos nun ngayon." Nakangiting sabi ni Regina
"Talaga? Sumama nalang kaya kami sainyo?" Si Sandy.
"Great idea!" Maxinne and Regina
Naglakad na sila Scarlett, Sandy, Maxinne, Ice, Regina at Dionne papuntang Night Market.
"Hi, Ice." bati ni Scarlett sa tahimik na kaibigan. Masaya kasing nag-uusap sila Maxinne, Regina at Sandy sa likuran.
"Hello." Simpleng bati nito, hindi naman sobrang sungit pero parang reserved lang ang personality tapos quiet. Ganun.
"Anong bibilhin niyo sa night market?"
Ngumiti naman si Ice rito. "Bibili kasi ako ng books na more about my power, Air."
"You really love to read books, don't you?" nakangiting tanong ni Scarlett kay Ice
"Yep. I do. Nakakatanggal ng boredom and then may natututunan ka pa. Ikaw? Do you love reading?" Ice
Tumango ito. "Kaso nga lang naiwan ko sa mortal world. I love sketching, too. Not bragging but I'm sort of good on it." sagot ni Scarlett.
Ngumiti ulit si Khionne Ice dito. "Minsan pasketch nga ako ng portrait, try lang."
Sa isip ni Scarlett, kahit tahimik si Ice, masayang kausap rin ito. Cute din kapag ngumingiti.
Kailangan mo lang sya makilala. Kung una, medyo hindi namamansin at mukhang masungit, kapag nakilala mo ang other side ng Ice princess ng Royal Colors malalaman ng lahat na mali ang bansag .
Nagkwentuhan ang magkakaibigan habang naglalakad medyo malayo rin kasi ang Night Market.
Nagugulat na nga lang at napapahinto sa pakikipagkwentuhan sila Maxinne at Regina sa likuran nila Dionne, Scarlett at Ice kapag nakikitang tumatawa si Ice.
"Nagkasundo na kaagad sila ni Scarlett. Nice," Maxinne laughed.
"Siguro nakagaanan ng loob kaagad ni Ice." Regina whispered to her. "Doon lang naman nakikipag chikahan yan sa trip niya."
"Bakit nga ba palaging quiet lang si Ice?" tanong ni Sandy na sobrang naguguluhan.
"Meron kasi siyang history na binubully noon. She was kind though I don't know kung anong nakain ng mga bullies at ginanon siya at walang gusto makafriend sya. Since noon hindi na siya palangiti, minsan nalang. Pero sa mga nakakagaanan niya siguro ng loob, ayun friend niya katulad niyo ni Scarlett." pagpapaliwanag ni Maxinne.
Umiling iling si Sandy. "Naku same sila ni Scar! Buong buhay niyan binubully ng pinsan at tita niya." Natatawang sabi nito.
****
Malapit na sana ang magkakaibigan sa entrance ng Night Market nang madaanan nila ang part ng street na pundi ang light. Wala rin tao.
"Creepy. Wag na kaya tayo tumuloy?" Sandy.
"Don't worry. I can manage to light up the way." Nakangising sabi ni Maxinne saka lumakad sa harapan ng lahat at naglabas ng apoy sa palad.
"Fire is her treasure." Regina
Naglakad na ang iba pero naiwan si Ice.
"Ayaw mo ba?" tanong ni Regina sa kaibigan.
"You know, Maxinne. Why don't we teleport? Mas madali." Regina
Nagsnap naman si Maxine at napa face palm.
"Shoot! Oo nga naman. You know, Regina? Bakit hindi mo yan sinabi agad?" natatawang sabi ni Maxinne. Hinampas naman ng mahina ni Regina at nagtawanan.
Pumikit si Maxinne at isang kisap mata lang ay napunta na sila sa maingay na Night Market.
Ang night market ay malawak na pamilihan sa loob ng malaking tent. Magara at kumpleto.
"Bakit wala kang imik diyan, Dionne? May problema ba?" tanong ni Scarlett nang mapansin na hindi nagsasalita ang kaibigan.
Kumakain ngayon sila sa isang magarang kainan sa loob. Gawa sa kahoy ang lamesa at ang mga upuan naman ay hitsurang pinutol na puno.
Mga human fairies ang nagseserve.
Humagalpak naman ng tawa si Regina at Maxinne pagkatanong ni Scarlett non kay Dionne. Si Dionne naman umirap sa dalawa at sumubsob sa lamesa.
"Bakit?" nakangiting tanong ni Sandy.
"Crush kasi niya ako! Hahahaha" masayang sigaw ni Regina.
"The hell? Hindi yon totoo no!" ngumuso si Dionne na ikinatawa na naman ng dalawa.
"May gusto si Dionne sayo? Akala ko bading siya?" Si Sandy
Tumawa si Ice nang bahagya. "Binasa kasi ni Regina ang isip niya kanina dahil titig ng titig."
"N-Nagandahan ako sayo, oo. Pero crush? Tss, hindi ikaw." tumayo naman si Dionne at parang hangin na nawala bigla.
"Speed gem ba 'yung ginamit niya? Cool!'' manghang asik ni Maxinne.
Nagkasundo naman na pumunta ng boutique shops sina Maxinne at Regina samantalang si Sandy naman na biglang tumahimik ay sumama kay Ice sa bookshops.
Naglibot lang si Scarlett. Hanggang sa napadaan siya sa isang shop.
Black and Violet ang motif ng shop.
Puro black spell books, brooms, wands and potions ang naroon sa loob. May mga maliliit na bottles rin na may liquids na ibat iba ang kulay at may mga maliliit na hayop ang nasa loob.
Minsan na pinangarap ni Scarlett ang maging witch pero alam niyang walang spell ang gagana dahil hindi siya totoong witchblooded. Tumingin parin siya sa mga gamit sa loob.
Nang hinugot niya ang libro sa shelf may nakita siyang babae na matalim ang titig sakanya at nakangiti ng nakakatakot. Kulay pula ang mga mata nito.
Pinuntahan niya agad ang kinaroroonan ng babae sa likod ng shelf pero wala naman tao sa bandang yon.
Agad niyang binalik ang libro sa shelf pero may napansin siyang parang unti-unting umuukit doon sa libro.
'Ako ang tatapos sa 'yo, mark my words, Sundust.'