GEMSTONE 4
Scarlett's POV
''Kyaaaah''
''I'm so excited!!''
''Ngayon na ang dating ng mga Royal Colors''
''OMG! Really?''
Isang linggo na ang nakakalipas, medyo nasasanay na ako sa normal every day routine, sa bawat schedule ko sa klase at mga subjects. Ang saya ko lang dahil walang trigonometry!
Pero iyon nga at wala pa ring lumalabas na fire magic, nahihirapan akong mag explain sa bawat professor ng kalagayan ko pero nauunawaan naman nila.
"Ang saya ko! Excited ako sa mga parating na Royal Colors!" Parang kinikilig na sambit ni Sandy. Napasimangot naman si Dionne.
"Ang sabihin mo crush mo ang mga nandoon. E hindi ka naman mapapan ng mga nandon, ako nga lang ang nagttyaga sa mukha mo." Asar dito ng bestfriend namin.
"Ang kapal mo."
Nakatambay kami sa third floor habang tinatanaw ang quadrangle sa ground floor. Nagkakagulo ang mga students kahit saan ako malingon. Kinikilig ang mga kababaihan!
"Ano ang royal colors?" Tanong ko sakanila.
Mabilis na nagkwento si Sandy. "Grupo sila, Scar! Sikat, pogi, magaganda, magagaling sa magic, matatalino! They have more than one gem!" Nagmwestra pa ito ng isang daliri sa harapan ko. "Meaning! More than one magic ang kaya nilang kontrolin and for a long time espesyal ang treatment sakanila ng academy at idol sila ng lahat!"
"Ikaw lang ang patay na patay sa grupong iyon." Iritableng asar ni Dionne sa katabi.
"At bakit hindi?! Kapag may naging kaibigan ka kahit isa sakanila, pag uusapan kana sa buong academy dahil kaibigan mo ay mga sikat!"
"Ako di sikat pero pogi at macho. Dapat sapat na ko sayo!" Natatawang umilag si Dionne sa hampas ni Sandy.
Pinigilan ng mga professor ang mga estudyante sa komosyon nang tawagin ang mga ito para iresume ang bawat klase.
Nasa kalagitnaan kami ng klase nang biglang may kumatok sa pintuan ng classroom namin.
Saglit silang nag-usap nung guro na nagtuturo saamin ngayon.
''Ms. Hilltur ililipat ko kayo ni Ms. Sundust sa Section ng Royal Colors, gayon din si Mr. Dionne Crawk.'' Mr. Cavin announced in front of class.
Lahat naman kami ng mga kaklase ko nagulat. Si Sandy naman nanlaki yung mata. Sa section ng mga advanced students at may mga advanced powers? Pero bakit?
''By the way class, Ms. Sundust is our newest student in this academy as of now. In case lang na hindi niyo pa alam. I have my reasons kung bakit sila ililipat sa royal colors." Lalong umingay ang bulungan.
Napahawak naman si Sandy sa kamay ko na may malaking ngisi sa mukha. Syempre gusto nya kaya ang royal colors, what more na maging parte nito!
Ano kaya ang dahilan ni Mr. Cavin?
Sumunod na kami nila Dionne at Sandy kay Mr. Cavin sa room ng royal colors located at 5th floor. Sila lang ang room na nasa palapag na ito tapos ay room na para sa professors. Special!
Panay ang asaran ng dalawa at nang makarating na kami sa tapat ng isang kulay itim na double door na malaki, walang duda ito na ang room.
Royal Colors
''Scarlett, oh my gash! Malalapitan ko na ang royal colors! Papa-autograph talaga ak-'' si Sandy.
''Tahimik, payat!'' biglang singit ni Dionne sa nagsasalitang si Sandy. Sinamaan naman sya nito ng tingin
''Epal kahit kelan! Kung wala lang akong awa pinuno ko na yang utak mo ng tubig!'' si Sandy ulit.
"Sabi ko lang tumahimik kana kasi ang baho na." Nagbiro pa itong nababahuan. Natawa ako sakanilang dalawa, lagi silang ganyan sa araw araw!
''Huweh, ikaw lagi mo ko inaasar malamang talaga crush mo ko!"
''Naku binaliktad pa!"
"Umamin kana!"
''Oo umaamin na kong halata na kitang type mo ko!"
''Aba't loko ka tal-''
Bumukas na yung double door.
Nakatingin lahat ng royal colors saamin at syempre sa agaw pansin na pwesto ng mga kasama ko.
Sandy na sasapakin na sana si Dionne, at si Dionne na nakasalag.
''Ah, hehehe'' si Sandy. Dahan-dahan itong umayos ng tayo at nagpagpag ng damit.
Nakakahiya ang mga kaibigan ko!
''Come in, Ms. Sundust, Ms. Hilltur and Mr. Crawk'' anyaya ng propesor sa harapan ng lahat.
Marami sila na nakaupo sa separated chair with separated table with it. Sa tantya ko ay nasa twenty plus ang lahat ng bilang nila dito.
''Royal colors, may makakasama kayo sa special classroom na ito. She's Sandy Hilltur-"
''Omygod! Hello! Nice to be here with you, guys!'' si Sandy na sobrang lakas na sigaw at todo kaway pa sa bawat anggulo, kaliwa kanan.
Nangiti ang ibang babae at lalaki sa inakto niya. Ang iba ay seryoso lang. Nakaka intimidate sabagay ay may ipinagmamalaking title naman kasi.
Tumikhim ang propesor at nagpatuloy. ''Ito naman si Mr. Crawk at si Ms. Sundust.''
Kumaway at bumati ang lahat saamin kaya tinuro na ng propesor kung saan kami uupo. May mga bakanteng upuan sa bandang likod, apat iyon kaya pinuntahan na namin.
Paupo na sana ako sa bakanteng upuan sa may gitna nang malakas na naman na bumukas ang pinto. Napalingon ang lahat.
"Mr. Wastridge, first day na first day ay late ka. Panigurado ganyan din sa mga susunod na araw, ayusin mo naman at nakakahiya sa ibang-"
''estudyante na makakakita sayo, parte ka pa naman ng royal color at anak ng principal, nakakahiya?" Tuloy tuloy na sabi nito na parang nirecite ang sasabihin sana ng propesor habang suot ang nakakaasar na ngisi.
Medyo magulo ang kulay asul nitong buhok, bukas pa ang dalawang butones ng long sleeve polo nitong kulay puti at nakapamulsa sa kanyang jeans. Habang ngumunguya ng bubble gum ay ngumising pang aso sa propesor.
Tumikhim nalang ang propesor saka nagpatuloy sa lecture.
Iyon yung lalaki sa park eh! Napatalikod ako agad nang tumingin ito sa gawi ko, umupo na ako agad sa upuan ko pero nagulat ako nang tumabi ito sakin. Iyon nalang din kasi ang bakanteng upuan.
Tinagilid nito ang ulo saka manghang umismid sakin. Kumislap ang earring nito na may pulang gem saka pinaikot sa daliri ang bracelet na pamilyar sa akin!
Nanlaki ang mga mata ko.
"Swerte nakita na naman kita. May utang ka pa sakin sa pagtulak mo." Bulong niya. Matapang na umirap ako sakanya.
Sinong takot?
Siyempre ako! Kunyari lang hindi!
"Bakit ka nandito, monkey." Tinry kong maging tunog mapang asar kaso nailang ako kaya nag iwas na ako ng tingin at hindi na pinansin ang pag ismid niya.
Nag ingay pa ang propesor sa paglelecture.
Nilagay niya ang bracelet sa table ko kasama ng papel na may nakasulat na
You owe me one lunch dahil sa pagtulak. Kung hindi mo ko pagbibigyan, pagttripan kita palagi. You like that?
''Scar, monster siya. 'Yang anak ni Mr. Cavin,'' bulong ni Sandy sakin. Anak ng may-ari? Nilukot ko ang papel saka pinanlisikan siya ng mata. Lunch?
Maya maya naexcuse muna yung propesor namin at makikipagmeeting kay Mr. Cavin for some reasons.
Nagbulungan yung dalawang babaeng Royal Colors sa tabi namin tapos ngumiti kay Sandy. Tuwang tuwa ang isa!
''She's Maxine Gabrielle Lee, I'm Regina Ignacio and YES, we're friendly gusto ka rin namin maging friend, don't worry.''
Napanganga naman si Sandy while kami ni Dionne mukhang naguluhan? Ano daw sabi?
''D-Did you just....'' Sandy
''Yeah, my dear. She did. She read your thoughts. She's a mind reader.'' nakangiting sabi nung Maxinne.
"Nandito na kami last year for some reason tapos ngayon ulit, so we want a new set of friends!" Dagdag ni Regina.
''Wow. Really?! Ibebefriend nyo kami?! Wow, It's a pleasure to be your friend!'' si Sandy ulit.
''Tignan mo yang kaibigan natin, mapupunit na yung pisngi sa sobrang ngiti.'' natawa naman ako sa binulong ni Dionne
''And oh wait! Sandy, Dionne and Scarlett, right? Eto nga pala si Ice, Khionne Marzon,'' turo ni Maxinne sa isang babae. Tahimik lang ito at nakasalamin, mahaba ang buhok at medyo payat.
''Hi Ice.'' sabay na bati namin ni Sandy sa babaeng nasa dulo ng row na inuupuan namin. May tatlong libro sa desk at busy sa binabasa pa na isa pang libro.
Tumingin lang sya tsaka ngumiti at nagbasa na ulit.
''That's Ice ang. pinaka. cold. sa royal colors.''
Nag-usap-usap sila, getting to know kasama si Sandy at Dionne, ako naman ay napahikab. Inaantok pa ako, madaling araw na rin kasi ako nakatulog kagabi dahil sa assignment na hindi ko magets gets.
Tinignan ko ang lalaking si Trey kahit nakakatakot tumingin sakanya huli na para umiwas dahil nakatingin din ito.
Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi siya nagpatalo, may mapaglarong ngisi at nagtaas din ito ng kilay sakin. "What?" aniya.
"What?" asar na ulit ko ng sinabi niya.
He smirked. Hinawakan niya ang kamay ko bigla, nagulat ako sa kuryente na naramdaman ko.
No, not the romantic kuryente feeling!
As in yung literal na kuryente na mararamdaman kapag tinusok mo ng pardible ang saksakan!
"Lunch later, or I will electrify you." Mahinang humalakhak ito at dumukdok na sa table upang matulog.
This guy is so weird!!!