GEMSTONE 3

1125 Words
GEMSTONE 3 Scarlett's POV Halos alas syete palang ng umaga ay gising na ako. Nasanay akong kailangan maaga kasi may pasok pa at may iuutos sila tita. Pero ngayon ay wala. Hindi ko maiwasan malungkot kapag naaalala ko ang nangyari kay Grace pero kinontrol din ang isipan na hindi ko yon sadya. Huminga ako ng malalim at nag ayos nalang ng sarili para umpisahan ang araw. Nangako si Sandy at Dionne na sasamahan akong mag grocery daw ngayong umaga, kaso wala pa rin sila. At dahil curious na curious na ako sa lugar na ito kagabi palang ay ako na ang lumabas. Tinuro naman ni Sandy na madali lang kabisaduhin ang labas ng academy at inabot sakin ang mga ginto at pilak bilang pera sa mundong to. Nilakad ko ang naaalala kong daan na kinwento nila Dionne kagabi. Hindi nga ako nagkamali dahil sa tabi ng parke ay may malaking pamilihan. Dikit dikit ang mga pwesto na may malalaking payong, maingay sa paligid at... hindi normal. Magic do really exists in this area. ''Hi, there!'' sigaw ng isang babae saka lumapit sa akin.  ''Hello?'' Pilit ang ngiti ko sakanya. May maikli syang buhok saka kulay puti. Teka, lola na ba siya? ''Doon ka ba sa Stonegem Academy nag-aaral?'' nakangiting tanong nya. Mukha siyang puno ng goodvibes. Tumango ako at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Parang ngayon lang kita nakita! Paborito ko ang mga bagong students, lalo ang reaksyon niyo na parang..." umakto siya na parang nawawala at nagugulat. "Parang nagpapanic sa magic!" tumawa siya. Loko to ah. Kuhang kuha ang reaksyon ko kahapon. "Galing akong mortal world, ganiyan na ganiyan nga ang react ko non." Natatawang sabi ko sakanya. ''I told you! So what's your magic?" Aniya.  "Fire daw. Ikaw?"  Tumawa siya at ngumiwi. "Hindi ka pa sure ha? Anyway my name is Faye Lurzis! You are?"  "Scarlett Astrid." Ngumiti ako pabalik at kinamayan ito. "You're pretty! Gusto kita maging kaibigan," Ngumuso siya saka parang may naisip bigla. "Ililibre kita ng paninda ko dito, wait me here ha?"  Umalis siya agad. Hinintay ko siya ng ilang minuto habang nagtitingin sa paninda sa paligid ko, ang gaganda ng mga bracelets. Gawa ito sa shells. Bumili ako ng isa, noong una hindi ko pa alam kung paano babayaran. Binigay ko ang maliit na bar ng gold saka niya ako sinuklian ng ilang pilak. Kung dadayain ako sa sukli ay hindi ko pa malalaman. Baka nakangiti pa ako sa tindera kung sakali, medyo bobo sa lugar na to. Umingay ang paligid at dumaan ang maraming tindera na nakasakay sa kabayo, natulak tulak ako sa kung saan dahil sa dami nila at dami rin ng taong dumaan hanggang sa hindi na namalayan na nawala na ako sa kung saan ako iniwan ni Faye kanina. Bahala na, gagala nalang ako tapos mamimili. Nadaan ako sa bilihan ng mga pagkain, binili ko ang sa tingin ko ay masarap. Pati mga sinabi nilang prutas at gulay na hindi pamilyar sakin ay binili ko.  Nakakita ako ng parke at nagpasyang maupo sa isang bench doon. Kakapagod!  May playground sa kalapit at mga batang naglalaro sa mala-jelly-ace na bench. Nangiti ako, napaka cute ng lugar! "Kuya, ibigay mo na po iyan. Gusto ko na po umuwi."  Nalingon ako sa bandang kaliwa ko, umiiyak ng malakas ang batang lalaki habang inaasar ng... binata? "Edi kunin mo. Dali abutin mo." Aniya habang tinataas ang kamay na hawak ang bola. Nag iiyak ang bata habang pumapadyak sa lupa. Aba, siraulo. Lakas ng trip. Di ko nalang pinansin pero nang hindi pa rin natigil ang bata sa pag iyak ay naawa na ako. Lumapit ako doon saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Wala ka bang magawa?" Bungad ko sakanya. Napunta saakin ang pansin ng lalaki saka nawala ang ngisi. Blue ang buhok niya kaya natandaan kong siya yong kumalabit sakin kahapon sa cafeteria. Siraulo pala, pumapatol sa bata. "Ano kamo?" Aniya. Tinaasan ko ito ng kilay. "Ibigay mo na 'yan, ano ka ba isip bata?"  "Ano naman sayo? Ikaw ba ang nanay niyan?"  "Mukha ba kong may anak na." Inirapan ko ito sa pagka irita. Lumapit ako sakanya para hatakin sana ang bola mula sa hawak niya ngunit umilag ito at nagdribble pa paikot sakin. Inaagaw ko ang bola pero umiilag ilag siya at ngumingiti pa na parang nang aasar! Tinulak ko nga. Malakas. Di ko inaasahan na mapapaupo siya sa sahig, gumulong ang bola saka kinuha ng bata. Nabadtrip siya!  "Ang lakas ng toyo mo, miss, ha! Siguro may gusto ka sakin kaya nagpapapansin ka!" Iritableng tinignan niya ako. "Sa ganda kong 'to? Baka ikaw pa ang magpapansin sakin!" Nangiwi ako sa loob loob ko, pinilit ko lang talaga sumagot agad para hindi magmukhang guilty. Pogi naman talaga kasi ito pero hindi ko naman type kaya ko nilapitan! "Mukha ka ngang unggoy!" Dugtong ko pa, akmang tatayo na ito kaya tumakbo na ako palayo, inabot niya ang palapulsuhan ko pero ang bracelet ko lang ang nahatak niya. Bwisit na iyan, ganda pa naman ng bracelet na yon! Now, where's Faye?  Alas otso na ng umaga, pagkatapos kong mag ayos ng pinamili sa kitchen ay siya namang dating ni Sandy at Dionne. Pareho raw silang late na nagising. "Ayos lang, masaya naman akong nakagala sa labas." Nakangiti kong sagot. Hindi ko na nakwento ang nangyari doon sa parke, sana lang ay hindi ko na makita ang blue-haired monkey na iyon. Dumiretso kami ng cafeteria para magorder ng light meal for breakfast, di raw kasi nakapagluto si Sandy. 9am naman ang start ng normal class hours. Tinaas ni Sandy ang kamay habang kumakagat sa burger. "May instant jewelry ka dito, this is my bracelet na may blue gem. Since blue color symbolizes the water, air, cloud at marami pang iba. Kulay blue ang gem ko kasi water ang magic ko.'' pagkkwento ni Sandy, mangha na nakikinig ako. ''Every students have their own gem or gems, doon nanggagaling 'yung magic ng bawat isa!" Nilibot ko ang tingin sa paligid at nahalatang may ibat ibang gem nga na suot ang lahat. Some have their own gem in a pendant, bracelet, ring... meron pa ay anklet! ''Bakit ako? Walang gem?'' Takang tanong ko. 'Di ba may fire magic ako tulad ng napalabas ko sa aksidente—na hindi ko naman talaga sinasadyang mangyari kay Grace. Kibit-balikat na sinubo ni Dionne ang spoonful of macaroni saka sumagot. ''Nabanggit na nga 'yan ni Mr. Cavin saamin. Ang kaso mo na 'yan na wala pa rin gem, kailangan mo raw muna mapalabas ulit ang fire magic mo."  Winagwag ko ang kamay ko sa harapan nila. "Paano?" Takang tanong ko. Tinuro turo ko pa ang hangin pero wala naman nalabas na fire! "The next basic step for newbie after being used to this place ay... training for second encounter of magic!" Masiglang sagot ni Sandy. "Medyo mahirap pero kakayanin." Ani Dionne. Kinabahan ako pero naexcite sa susunod na mangyayari. Paano kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD