GEMSTONE 24 Scarlett Astrid's POV "Bakit ba kasi hindi tayo magpaalam?!" inis na tanong ko dito. Kasalukuyan kasing alas kwatro pa lang ng madaling-araw. At para kaming magkasintahan na magtatanan sa lagay namin ngayon. Hila-hila niya kasi ang wrist ko at mabilis naming tinatahak ang daan pababa sa main gate ng Academy palabas. Inaantok pa talaga ako sa totoo lang. Mga 3am na yata ako nakatulog kani-kanina lang. Pero dahil si mama naman ang dahilan ng paggising ko ng ganito kaaga, ayos lang! "Dahil maghihysterical 'yon. Hindi tayo papayagan at bubungangaan ako sa paggising sayo ng ganito kaaga." Trey Agad naman akong huminto sa pagsunod sakanya, "Anong ibig mong sabihin? Na bawal talaga pumunta ng mortal world, ganun?" "Tsk, hindi ah! Hindi lang 'yon papayag dahil lalabas tay

