GEMSTONE 8 Third Person's POV Nagtatakang napatingin naman si Scarlett sa binatang mapaglaro na ang ngisi pagkasara ng pintuan. "Bakit?" Napakamot naman ng ulo si Trey. Basta ang alam niya lang gusto niya ito pagtripan at... kausapin. "Gutom na kasi ako. May sasabihin ka ba?" Scarlett na ilag parin dito. Hindi nga naman kasi maganda ang ugali nito sa pagkakaalam niya. Parang nagliwanag naman ang mukha ni Trey at may naisip. "Sakto. You owe me a lunch, diba?" "Wow, di ko naman sadya na mapaupo ka sa sahig non. Hina hina lang ng tulak ko, ang weak mo lang talaga." Naiiling na asar ni Scarlett dito habang patuloy silang naglalakad pababa sa cafeteria. "Malakas iyon, okay? Wag kana tumanggi, ang dali dali lang magsabi ng 'okay, Trey, bet ko rin kasabay ka maglunch'" Boses babaeng sabi

