GEMSTONE 7 This chapter is dedicated to @Kwaynanana my friend. Basahin niyo ang story niya, nakakaengganyo basahin. Tapos guys may story rin siya na ''Strangers turn into Couples'' Clash-type story Third Person's POV Nanlaki bigla ang mga mata ni Scarlett sa narinig. "A-Ano ho? T-Tatay ko?" naguguluhang tanong ni Scarlett kay Mr. Cavin. Matagal nang napupuno ng katanungan si Scarlett tungkol sa mga magulang niya. Never kasing nagsalita ang tiyahin at ina nito noong nabubuhay pa, tungkol sa kanyang ama. "Tama ka ng rinig, Ms. Sundust. Buhay ang ama mo at ayun ay si Zigamord. Paano ko ba ikukwento... long long ago, once upon a time, pfft—" Mr. Cavin na nagpipigil pa ng tawa sa sariling joke na wala ni isa ang nakagets. Binato naman ni Trey Wastridge ang ama na si Mr. Cavin ng lapis

