"Wag kang magpasakop sa nararamdaman mo, Dhea," saway ko sa sarili. "Wag na wag! Dahil masasaktan ka lang ulit." "Hon," malambing na tawag ni Red sa'kin. Nakabihis na ito ng short at white t-shirt. Tinalikuran ko lang ito at kumuha nang mailuluto sa ref. "Magpahinga ka na muna. Tatawagin na lang kita kapag nakaluto na ako." Tumango naman ito at mabilis na akong iniwan. Napakapit naman ako ng dibdib sa sobrang kabang nararamdaman. "Kaya mo 'yan!" wika ko sa sarili. "Wag kang magpapatukso." Pakatapos magluto, tinawag ko ito at nagsimula na kaming kumain. Wala naman kaming imikan habang kumain. "Bakit? Hindi ba masarap?" walang emosyong tanong ko rito. Dahil hindi man lang nito ginagalaw ang pagkaing nasa harapan niya at seryoso lang itong nakatitig sa'kin. He sighed. "How are you?"

