Halos paliparin na niya any minamanehong sasakyan pauwi ng bahay. Halos patakbo ang ginawa niyang pagbaba ng sasakyan papasok ng bahay dahil sa nabalitaang pagbabalik ni Dime. Umiiyak na tumawag si Danna sa kanya at sinabi ang mga nangyari. "Umalis ka dito!" rinig nitong sigaw ng isang boses. "Isang kang basura hindi ka bagay dito sa pamamahay ko. Isa ka lang hampas lupang kabit!" Nagsalubong ang dalawa kilay niya sa nakikita. Si Dime ang dati niyang asawa pinagtatapon ang mga gamit ni Dhea sa labas ng kwarto nila at si Dhea naman luhaang pinagdadampot ang mga gamit niya sa sahig. Nadurog ang puso niya sa mga nakikita sa pang aapi nito sa'kin. "What's happening here?" galit na bulalas niya sa mga ito. Napalingon si Dime sa kanya. "Finally! Nakauwi ka na rin!" wika ni Dime. Samantal

