Red: "H-hello Bro." "Yes bro," sagot ni Clyde sa tawag ng kaibigang si Red. "S-si Dhea?" nahihiya niyang tanong rito. "Magkasama pa ba kayo?" "Yes bro, magkasama pa kami, hindi ko siya iniuwi sa Lola niya baka magtaka kasi 'yun. Kaya dinala ko na lang muna siya dito sa condo unit ko." "Mabuti naman kung ganun. Atleast I know where to find her. How is she?" ani naman ni Red. "Nasa kwarto na nagpapahinga," anito. "Ano bang nangyari? Nag-away ba kayo? Sinabi mo na ba ang tungkol kay Dime?" Napabuntong-hininga ito bago sumagot. "Pinalayas siya ni Dime," malungkot na wika nito. "What?" gulat na tanong nito, napatakip siya ng bibig bigla baka marinig siya ni Dhea. "Kaya mo ba ako pinapunta sa bahay niyo kanina dahil nadoon si Dime?" "Oo," malungkot na sabi nito. "That girl! Wala ta

