"H'wag!" nagising na naman akong luhaan at takot na takot sa parehong scenario ng aking panaginip. Ilang araw ko na rin itong napapanaginipan pero takot na takot pa rin ako. Parang totoo ang mga nangyari. Mabibigat ang paang bumangon ako. Pagkatapos kong ayusin ang sarili sa banyo kaagad kong hinanap ang anak kong si Philipi. Nasa harden na ito kalaro ang Mamita at nandoon rin ang Daddy Lo. "Mommy!" sigaw ni Philipi nang makita ako nito at patakbong lumapit ito sa'kin at mahigpit na yumakap sa'kin. "Mabuti at gising ka na," saad ng Daddy Lo. "Maupo ka na at para makapag-agahan ka na," may bahid nang pag-aalalang saad nito. Siguro na konsensiya sa ginawa niya sa'kin kagabi. "Opo," mabilis kung sagot. Ilang sandali pa nang dumating si Red. Hindi ko maialis ang mga titig ko rito, gusto k

